Panaka-naka akong sumusulyap kay Luthor. He was focus on the road but his brows are slightly furrowed. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. I just wish that he’s thinking of me too…

Pagkarating namin sa isang coffee shop sa Katipunan ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Sabay rin kaming pumasok sa loob. We were greeted by a comfortable ambiance of the coffee shop. Tama lang ang dami ng tao kaya hindi naman nakaka-suffocate. We sttled on a two-sitter table. Si Luthor naman ay pumunta sa counter para um-order.

Hindi ko mapigilang pagmasdan si Luthor. From the tip of his hair down to his long legs, walang parteng pangit. Luthor is handsome from head to toe. I actually wonder if there are times that Luthor felt ugly. I guess there was none. Luthor de Leon never experienced being ugly.

“Espresso and triple chocolate cake for Spica!” sambit ni Luthor nang ilapag niya ang order ko sa mesa. Bahagya akong natawa at saka kinuha ang kape.

“Thanks,” sinuklian niya lamang ako ng ngiti at saka kinuha na rin ang kape niya. We are silent for a few minutes when he decided to talk.

“How have you been?” I looked at him. Parang medyo nahihiya pa siya. napangiti ako ro’n. He always held his head up in front of the other doctors especially in front of the board of directors but he was acting shy in front of me. How ironic, Luthor de Leon.

“I’m doing good. Ikaw, kumusta? It’s been years,” pabulong kong sinabi ang huling pangungusap pero sapat lang iyon para marinig niya. Bahagya siyang natigilan pero agad ring nakabawi at tinignan ako. I was taken aback when I saw different emotions in his eyes. Nahigit ko ang hininga ko nang makita ang pamilyar na kinang ng mata ni Luthor habang nakatingin saakin noon.

“I guess… I’m doing good.” Hesitation were visible on his voice. Napakunot ang noo ko.

“You guess? ‘Di ka sure?” natatawa kong tanong pero kasalungat no’n ang nararamdaman ko. I was so nervous. Lalo na noong hindi niya inalis saakin ang mga mata niya. He was looking at me like he was memorizing my face. And I’m not comfortable!

“I’m good. But not as good as when I am beside you,” napaawang ang bibig ko. Gulat akong tumingin sakaniya. Nakatingin rin siya saakin, this time with confidence on his face. I can’t believe he just said that! “… And I think, I am still on my best when I’m with you.”

Hindi ako makapaniwala. He’s saying those words without sluttering. He didn’t even flinched. He was looking straight into my eyes. Natulala ako. Hindi lang dahil sa sinabi niya kundi dahil rin sa sincerity ng boses niya. Gusto kong maiyak pero nawala ang mata ko sakaniya nang mag-vibrate ang phone ko!

Napalunok ako nang makita kong si papa ang tumatawag. Mahal ko si papa pero wrong timing siya tumawag!

“Hello?” bungad ko. Luthor’s eyes stayed looking at me. Sumandal siya sa upuan at marahan akong pinagmasdan.

“Ate! I miss you!” agad akong napangiti nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.

“Hi baby!” masigla kong bati.

“Ate tapos na po work mo? Ate we’re going to the mall! Sama ka ate, please? Please?” napangiti ako sahil sa paglalambing ko pero agad ring nawala ang ngiti ko at nauwi sa pagngiwi nang makita ko si Luthor na kunot ang noo at masama ang tingin sa’kin.

Iniwas ko ang tingin ko kay Luthor. Hindi ko kayang tagalan ang tingin niyang ‘yon. Kunot na kunot ang noo niya at magkasalubong pa ang kilay niya. He’s still pogi pero natatakot ako sa tingin niya. Para siyang makikipag-away!

“Okay, I’ll go with you.” Mahina kong sabi kay Dice. Agad naman siyang nag-celebrate. Ngumiti ako ng tipid bago ko ibinaba ang tawag. Tumikhim ako bago humarap ulit kay Luthor.

“Um, tapos ka na ba? Kailangan ko na kasing umalis eh.” Napakagat ako sa labi ko nang hindi man lang siya umimik. Nakatingin parin siya sa’kin na parang may ginawa akong kasalanan!

“Uh… Luthor?” tawag ko ulit sakaniya. Nagulat naman ako nang padabog siyang tumayo!

“Let’s go.” Matigas niyang sabi. Napalunok ako. Bakit ang gwapo parin sa pandinig ko? Nakanguso akong sumunod sakaniya. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto papasok ng kotse niya.

Habang nasa biyahe ay tahimik siya. ang kaninang kinang ng mata niya ay nawala at napalitan ng inis. Hindi ko alam kung anong kinaiinis nito. Pero bakit ang pogi niya parin? The awkward silence last until we arrived to the hospital’s parking lot where my car is. Nang lumabas ako sa kotse niya ay hinarap ko siya. Ganoon parin ang ekspresyon niya. Kung tignan niya ako ay parang may kasalanan ako sakaniya.

“Um, thanks for the snack. I-I’ll get going.” Sabi ko pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Gusto kong tumawa dahil ang cute niya pero pinigilan ko ang sarili ko. marahan lang siyang tumango kaya nginitian ko siya bago ako pumasok sa kotse ko.

Nang magmaneho na ako malabas ng parking lot ay nakita ko sa side mirror ng kotse ko na nakatanaw parin siya saakin. Ginawa niya ‘yon hanggang sa makaalis na ako sa paningin niya. I sighed. Kailan ba ako aamin sa’yo, Luthor?

NANG MAKARATING ako sa condo ay bihis na bihis na nga sina papa at Dice. Ako naman ay nagbihis muna dahil natuyuan na ako ng pawis. Nang matapos magbihis ay umalis na kami papunta sa mall. Si papa ang nag-drive at ako naman ang sa passenger seat. Si Dice naman ay nakakalong saakin dahil ayaw niya raw maupo sa backseat.

Nang makarating sa mall ay agad na nagtatakbo si Dice sa toy store. At dahil spoiled siya kay papa, binili ni papa lahat ng ituro ng chikiting. Pagkatapos mamili sa toy store ay dumiretso naman si Dice sa timezone. Sumunod na rin kami ni papa.

Naglaro lang kaming tatlo roon hanggang sa magutom si Dice. Kumain kami sa gustong fast food chain ni Dice. Habang kumakain sila ni papa ay nakatingin lang ako sakanila. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, sila ang pinakamaganda. Kung babalik ako sa nakaraan, wala akong babaguhin. Masaya ako sa kung anong kinalabasan ng mga pangyayari noon.

Siguro hihilingin ko nalang na mabuhay si mama ng matagal. But thing happens for a reason. Siguro nawala si mama para ipa-realize saakin na ‘wag kong sayangin ang mga oras na kasama ko pa ang mga mahal ko, dahil hindi natin alam kung kailan sila kukunin. Narito parin sa’kin ang pagsisisi. Pagsisisi na hindi ko nakasama si mama ng matagal.

Pero kahit ganoon ay masaya naman ako sa iniwan niya sa’kin. I have a loving father and a cute little brother. Ano pa nga pa ang mahihiling ko? I have a wonderful family, a stable and well paying job and wonderful group of friends. I am more than blessed now. Pero hindi ko mapigilang mag-isip. Deep inside… I’m still not contended.

Alam kong mali. Dapat na makuntento na ako sa lahat ng blessings na natanggap ko pero kahit anong gawin ko, pakiramdam ko talaga ay may kulang. Pakiramdam ko, hindi pa ako buo. Bigla kong naalala si Luthor at ang sinabi niya kanina. Agad na bumilis ang tibok ng puso. My heart beats loudly in the mere thought of him.

Is that it? Is it because of him? I’ve wanted him. I liked him for years. Ilang taon din kaming walang kumunikasyon at hindi nagkikita pero ang nararamdaman ko… parang walang pinagbago. Is it possible? Is it possible for a person to like someone even without seeing him or her for years? Is it possible for me to fall for someone again and again?

I guess not. I will never fall for someone if it’s not Luthor. Dahil alam ko sa sarili ko na si Luthor lang. It’s Luthor all along. And it will always be him.


---》

Song Used:

Talinghaga by Munimuni
It's on the media section if you
want to hear it :)

Happy 4k reads sa War in Katipunan!
Thank you, loves!

-Ella Dianne



War in KatipunanWhere stories live. Discover now