Kabanata 15

2.7K 95 7
                                    


KABANATA 15.

Dance.


IT WAS a Saturday morning when I woke up early. I decided to go out for a jog bago magsimulang gawin ang lecheng requirement na ‘yon. Tulog pa si Fita pagkauwi ko. Inilagay ko nalang ang binili kong breakfast sa dining table para pagka-gising niya makakain na siya agad.

Ako naman ay naligo na at kakain nalang ng breakfast habang ginagawa ‘yong papers ko. Nakaupo ako sa mat at nakapatong ang laptop ko sa center table. Sinimulan ko na ang magr-research at nagsamula na rin akong mag-type.

Parang ginaya ko lang ‘yong dati kong gawa na naka-save sa laptop ko, pero dinagdagan ko ng maraming information para walang masabi ‘yong prof. At syempre, para dumami ang word count. Nagt-type ako sa laptop ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na door bell. Hindi ko n asana papansinin kaso hindi tumitigil eh.

“Sino nanaman kaya ‘to? Ang aga-aga eh!” Inis akong tumayo at padabog na naglakad papunta sa pinto. Handa na akong sigawan ang kung sino man ang nag-doorbell. Pero imbes na masinghalan ko ay napangiwi nalang ako.

“At anong ginagawa mo rito? Alas nuwebe palang, ah?” Kunot noong tanong ko sakaniya. Standing on our doorstep was Luthor. May dalang paper bag na mukhang may lamang pagkain at may dala rin siyang isa pang bag pack na lalagyan ng laptop. He was wearing a casual black shorts and gray shirt. At ngiting-ngiti si gago.

“Moral support lang sa paggawa mo ng papers. Wala naman akong alam sa engineering kaya ‘di kita matutulungan kaya nagpunta nalang ako rito para bigyan ka ng moral support.” Napanganga ako. This guy is really impossible! Anong moral support? Sa itsura niya, mukha siyang kaklase na makiki-connect sa internet niyo eh.

Papauwiin ko n asana siya nang bigla nalang siyang pumasok sa condo. Aba, bahay mo sis? Nakapamewang akong sumunod sakaniya. He placed his bag on the sofa and the paper bag on the center table. At saka siya umupo sa mat at inilabas rin ang sariling laptop. Sabi na eh, makiki-wifi lang ‘to. Dami pang palusot eh.

“Hoy, kung makiki-wifi ka lang, do’n ka kina Ate Lilac. Jusko naman, dumayo ka pa rito para maki-wifi.” Tinawanan niya lang ako.

“Shunga, hindi ko kailangang maki-wifi kasi may wifi rin naman sa bahay namin at sa condo ko. Andito nga ako para bigyan ka ng moral support. Pinag-luto pa nga kita para ‘di ka magutom. Wala ka talagang utang na loob.” I just rolled my eyes at him. Wala na rin akong nagawa kundi ang maupo sa tabi niya at ipagpatuloy nalang ang ginagawa ko. Wala naman akong laban sakaniya eh.

“Ay wow, may bisita pala.” Sabay kaming napalingon ni Luthor nang biglang magsalita si Fita. Halatang kakagising lang.

“Uy, Fita, good morning!” Bati ni Luthor. Nginitian lamang siya ni Fita.

“May binili akong breakfast sa labas. Kumain ka na.” Tinanguan ako ni Fita.

“Ayos ah, study buddies na rin pala kayo ngayon? Dati drinking buddies lang ah.” Natatawang komento ni Fita. Nakitawa na rin si Luthor. Ako naman ay sinamaan siya ng tingin. Tignan mo ‘tong babaeng ‘to, kakagising palang, nang-aasar nanaman. She just laughed at me at naglakad na papunta sa kusina.

Nagpatuloy lang ako sa paggawa ng papers ko habang si Luthor ay may ginagawa rin sa laptop niya. Ilang minuto pa ay napansin kong tumayo si Luthor. Hindi ko nalang siya kinausap dahil naka-focus ako sa papers ko. Kailangan ko ‘tong matapos ngayon para mag e-edit nalang mamaya.

Nag-focus nalang ako sa pagt-type. Medyo sumasakit na rin ang batok ko pero kaya pa naman. Napatuloy lang ako sa pagt-type hanggang sa maramdaman kong may tumatapik sa braso ko. I looked up just to see Luthor. Ano nanaman bang kailangan nito?

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon