Kabanata 26

2.3K 81 9
                                    


KABANATA 26.

Just... friends.

“NAK, SABIHIN mo nga, kaibigan mo lang ba talaga ‘yong si Luthor?” Halos mailuwa ko ang kapeng iniinom ko dahil sa sinabi ni mama. I looked at her with wide eyes.

“Ma!” I probably looked like a tomato right now. Hindi ko man makita ang sarili ko ay alam kong pulang pula na ang mukha ko. Bakit naman kasi ganyan ang tinatanong ni mama?!

“Bakit? I’m just asking.” Kibit balikat na sabi ni mama. Nalukot ang mukha ko dahil doon. Andito kami ngayon ni mama sa Restaurant na pag-aari niya. Isang linggo na akong nandito at hindi ko maitatanggi na ito ang pinaka-masayang summer ko sa loob ng ilang taon.

Marami kaming pinasyalan ni mama. We got our mother-daughter bonding. Nag-swimming kami, nag-food trip, nag-hiking at kung ano ano pang activities. I even sleep on her room! If I have known that this is how cool mother-daughter bonding is, I should’ve returned home a long time ago. But well… it’s all in the past now.

Pinagusapan na naming ni mama ang dapat pag-usapan. Nagkalinawan na kami at nagkapatawaran. I even mentioned about Luthor’s help. She was very delight when she knew about Luthor’s involvement in my character development. Dapat daw siyang magpasalamat kay Luthor.

At sa isang linggo rin na lagi kaming magkasama, I found out that she own a restaurant. Bata palang ako ay pangarap na ni mama na magtayo ng restaurant kasama si papa. They’re both chefs after all. Mama’s dream came true even without papa. She told me that this restaurant is her life when me and papa are away. Nalungkot ako sa isiping nagtayo siya ng restaurant para maging destruction dahil pareho kaming wala ni papa. But I looked at the brighter side of things. At least her dream came true, even without me and papa.

“Ma, kaibigan ko lang po talaga si Luthor.” Mama looked at me suspiciously. Kahit ako ay hindi kumbinsido sa sarili ko. Alam na alam ko sa sarili ko na higit pa sa kaibigan ang tingin k okay Luthor. At parang napansin din iyon ni mama.

“Uh-huh, kaya pala gabi gabi kayong magka-tawagan habang nasa ibang bansa siya.” Lalo akong namula. So she knew about that too?

Napaaga kasi ang alis ng pamilya ni Luthor papuntang US. But Luthor and I keep in touch. He calls me every night. I’m pretty sure na magkaiba ang oras dito sa Pilipinas at sa Amerika pero nagagawa paring tumawag ni Luthor gabi gabi. It’s nopthing much, really. Mangungumusta lang siya at kaunting kwentuhan. ‘Yon lang.

“Nangangamusta lang naman, Ma.” Still, mama eyed me suspiciously. Hindi naman na siya nagtanong pa dahil may pumasok na isang grupo ng mga turista kaya naging abala si mama sa kusina. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa isang two-sitter table sa bandang gilid ng restaurant.

The restaurant was named, Spice and Dice. Hindi ko alam kung bakit but I’m pretty sure the Spice came from my supposed to be name. Maganda ang loob at labas ng restaurant. Dinadayo rin ito lalo na kapag summer dahil marami ang mga turista. Napaka-friendly din ng mga employee ni mama. Ultimong janitor ay palaging nakangiti.

I love this place.  

MY WHOLE summer vacation were spent in Batangas. Masaya akong marami kaming nagawa ni mama buong summer. She taught me many dishes that I can cook when I came back to Manila. Halos malibot rin namin ang buong Batangas dahil every weekend ay namamasyal kami. Hindi kasi pwede kapag weekdays dahil punuan ang restaurant kaya every weekend lang kami namamasyal.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na umuwi ako. Parang dati, ayaw na ayaw kong umuwi. Pero ngayon, parang ayaw ko nang umalis. When they said that there’s nothing beats home, it was true. Walang makakatalo sa baying sinilangan. Pero kahit gaano ko kagustong manatili, school is waiting for me in Manila.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon