Kabanata 18

2.5K 86 9
                                    


KABANATA 18.

Banaag.

MAYBE I really appreciated Luthor’s presence. Kahit pa sabihing sanay na ako sa ganito, maganda parin pala sa pakiramdam na may kasama kang mag-celebrate ng Pasko. Mas maganda parin palang mag-simba ng may kasama.

Noong bata pa ako, noong mga panahong hindi pa naghihiwalay sina mama at papa, palagi kaming magkakasamang nagsi-simbang gabi. Sama-sama rin naming sinasalubong ang pasko at bangong taon. Sabay-sabay kaming kumakain ng Noche Buena.

We might not be as rich as Fita’s family, but we were happy. My parents are both chefs kaya palaging masarap ang mga handa namin noon. Masaya naman kami noon kaya hindi ko alam kung anong nangyari at… bigla nalang silang naghiwalay.

Hindi ako nakinig sa mga paliwanag saakin ni mama noon. As if I was interested then. I was just a child, all I want is a complete and happy family. Sarado ang isip ko non na making sakanila. I even stopped talking to them and just lived with my lola. My young heart can’t accept the fact that my parents lost their love even before I experienced it.

“What’s with the long face?” I turned to Luthor. Umiinom kami ngayon ng taho na binibenta sa labas ng simbahan. Kakatapos lang ng misa. Today is Christmas Eve and Luthor and I went to the church together.

Luthor being here with me is a big plot twist of this year. Or maybe, he’s the biggest plot twist of my college life. I never met anyone that affects my life as how Luthor does. I met different people before I met him. But all of them comes and go. But Luthor, he just came to… stay.

“Wala, may naisip lang.”

“Sus, gusto mo lang humingi ng isa pang taho eh.” Pagbibiro niya pa. I just laughed at him. Bibili ulit sana siya ng isa pang taho pero pinigilan ko siya.

“’Di ba sabi mo may pupuntahan pa tayo? Tara na.”

“Ay, oo nga pala. Tara!” Hinila niya na ako papalapit sa kotse niya. As usual, he let me play the songs.  Kanina bago kami pumunta ng simbahan ay sinabihan niya ako na may pupuntahan daw kami pagkatapos ng misa.

Masyado ngang tinotoo ni Luthor ang pagsama saakin ngayong Christmas break. Doon rin siya natulog sa condo nitong mga nakaraang araw. Doon ko nga sana siya pinapatulog sa kuwarto ko at ako naman ang matutulog sa kuwarto ni Rafa but he insisted that he’ll just sleep on the sofa.

Pati ang pagtulog niya ay pinag-awayan pa namin. But eventually,  he won. Alam ko namang wala akong panama sakaniya at desisyon niya ang masusunod but atleast I tried.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko nang napansin kong parang palabas na kami ng QC. He just smiled.

“Basta. You’ll like it there,” He looked at me. “Ilang oras pa ba bago mag-alas dose?” I looked at my wrist watch.

“Two hours pa.” Tumango-tango siya at hindi na nag-komento pa. Hindi na rin ako nag-tanong pa dahil alam kong hindi niya talaga sasabihin. At saka may tiwala naman ako sakaniya. It’s not like he’s going to take advantage of me. Hindi naman gano’n si Luthor.

He’s actually the most gentlemen among the boys that I met here in Manila. Mapang-asar nga lang. But so far, he’s been so good to me. Habang nasa biyahe ay nakinig nalang ako ng music habang nakatingin sa labas ng bintana.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon