Kabanata 22

2.2K 67 17
                                    


KABANATA 22.

Maybe Maybe.

GUSTO KONG sabunutan ang sarili ko sa sobrang inis. Nang makapasok ako sa condo ay naabutan ko roon sina Rafa, Adi at Fita na nanonood ng movie. Agad nila akong pinalibutan para maki-chismis. I was on a sour mood because of my silent war with Luthor earlier but I managed to tell them that I am bothered by Luthor’s actions earlier.

But my mood suddenly changed when they told me why Luthor was so weird earlier. And I almost punched myself.

“Muntanga ka rin talaga, friend ‘no? ‘Yong totoo, may gusto ka ba talaga kay Luthor?” natatawang sabi pa ni Fita. I rolled my eyes on her. Sumalapak ako sa sofa at nag-isip. Kung tama nga ang sinasabi nina Rafa, naiintindihan ko kung bakit gano’n si Luthor kanina. Tapos ginatungan ko pa! My gosh!

“Research din kasi minsan, Spica-girl. Bakit ba kasi hindi mo alam na magka-birthday sina Luthor at Archie?” Napahawak ako sa ulo ko. Antanga mo talaga, Spica. How can I not know that? Kaya pala gano’n nalang ang reaksyon ni Luthor nang todo effort ako sa paghahanap ng regalo kay Archie tapos hindi man lang ako nag-abalang tumingin ng regalo para sakaniya.

Isang katakot-takot na sermon ang inabot ko sa mga kaibigan ko sa kadahilanang hindi ko alam ang birthday ng taong gusto ko. Aba, malay ko ban a required palang malaman ang birthday?

By that, I spent my whole Friday thinking of a possible gift for Luthor. Nag-suggest rin sina Rafa pero puro kalokohan lang. Kesyo regaluhan ko raw ng stethoscope o ng syringe. Aanhin naman ni Luthor ang syringe?

Naghanap rin ako sa internet pero wala akong mahanap na suitable gift para sakaniya. Parang ganito rin ‘yong nangyari noong naghahanap ako ng panregalo sa parents niya. Bakit ba kasi ang hirap regaluhan ng mga De Leon? Dahil ba nasakanila na lahat?

Naisip kong relo nalang ang i-regalo kay Luthor kaso naalala kong Rolex nga pala ang relo no’n. Hindi ko afford at parang hindi pinag-isipan. Hanggang sa mag-gabi ay wala pa rin akong naisip na panregalo kay Luthor.

Bukas na ang party nila at sa isang foundation para sa mga batang may cancer ito idaraos. Nasabi saakin ni Ate Lilac na gano’n raw talaga nila i-celebrate ang birthday ni Archie at Luthor. Sa mga foundation sila nagpapa-party para na rin makatulong sila sa mga taong nasa foundation.

I think it’s a great idea. They bought joy to the people on those foundations on their birthday. Napangiwi ako sa isiping wala pa rin akong panregalo kay Luthor. Baka lalong magtampo sa’kin ‘yon. Tinarayan ko pa naman.

Malalim na ang gabi at hindi parin ako pinapatulog ng pag-iisip kung ano ang magandang panregalo kay Luthor. Halos buong gabing mulat ang mata ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa at nakatitig sa ceiling nang may ideyang pumasok sa utak ko.

Napangisi ako. Sana naman ay magustuhan ni Luthor.

ALAS TRES ang simula ng party pero ala-una y medya palang ay nando’n na ako. Tinulungan ko rin na mag-decorate sina Ate Lilac. She also asked me kung may regalo raw ba ako kay Luthor. I just smiled at her shyly and nodded.

“Naku, buti naman! Alam mo bang inaaway no’n kagabi si Archie dahil ang mahal daw ang regalo mo kay Archie pero sakaniya raw ay wala! Naku, napaka-immature!” natawa ako sa kuwento ni Ate Lilac. Really, Luthor? Pati bata pinapatulan mo dahil wala akong regalo sa’yo? I laughed at that thought.

Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang mga bata sa foundation para batiin sina Ate Lilac at iba pang nag a-ayos para sa party maya-maya. Magiliw ang mga bata pero karamihan sakanila ay wala nang mga buhok. Sabi sa’kin ng isang staff sa foundation, kinalbo sa raw ang ibang mga bata dahil unti-unti rin dawn a malalagas ang mga buhok nila dahil sa chemo.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon