Kabanata 36

2.6K 80 29
                                    


KABANATA 36.

With You.


THE DAYS went on like that. Naging abala na kaming lahat sa kaniya-kaniya naming trabaho. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Luthor. Ang sabi ni Alonzo ay sumama raw ito sa medical mission sa probinsiya. Habang wala si Luthor ay abala ako sa pagiipon ng lakas ng loob.

I already met the director which is Luthor’s father. At dahil kilala ko naman na siya dati ay kumustahan na lang ang naganap. After the meeting with Luthor’s dad, drain na drain na ako. Alas tres palang ng hapon pero pakiramdam ko ay gabing gabi na. Pagod na pagod ako ngayong araw.

Kaninang umaga ay nakipag-meeting ako sa daddy ni Luthor. Pagkatapos ng meeting ay nag-trabaho na ulit ako. Kailangan kong masigurado na maayos ang trabaho ng mga workers kaya ultimong paghahalo ng semento ay pinatos ko na. I want to do my job well at hangga’t maaari ay nararanasan ko rin ang mga ginagawa ng mga workers na under ko. Hindi porket ako ang head engineer ay uupo-upo nalang ako.

Kulang ngayon ang tao namin dahil linggo kaya kailangan kong tumulong. Hindi rin naman bago saakin ang trabaho sa construction dahil limang taon ko na ‘tong ginagawa. Pero ngayon ay sobrang pagod talaga ang nararamdaman ko. Ilang araw na akong straight duty sa construction  at halos hindi ko na nga maabutang gising si Dice kapag umuuwi ako sa condo.

Sumandal ako sa kotse ko habang pinupunasan ang pawis ko. Ipinikit ko ang mga mata ko nang humangin ng malakas. Nang mawala na ang hangin ay unti-unti kong binuksan ang mata ko. At halos madulas ako nang makita ko si Luthor sa harap ko!

“A-Anong ginagawa mo dyan?” kabado kong tanong. Agad akong tumayo ng tuwid at hinarap siya.

“Kararating ko lang sa medical mission at naabutan kitang pawis na pawis na nakasandal sa kotse mo. Ano bang ginawa mo?” seryoso niyang tanong. I almost rolled my eyes at him.

“Nag-trabaho, ano pa ba?” pabalang kong sagot. Kumunot naman ang noo niya.

“Tinatanong kita ng maayos, Spica.” Napanguso ako. My heart was beating too fast. Hindi na ito bago sa tuwing malapit saakin si Luthor. Lumipas man ang mga taon pero hindi magbabago ang epekto saakin ng isang Luthor de Leon.

“Naghalo ako ng semento,” nagsalubong ang kilay niya. “Nagbuhat ako ng nakakalat sa bakal at nakipag-meeting ako sa tatay mo.” I said. Masyado na akong pagod para magpaliwanag sakaniya. Isinandal ko ulit ang likod ko sa kotse.

“Hindi mo naman ‘yon trabaho ah.” Mariing sabi niya pa pero inirapan ko lang siya. Masyado akong pagod para makipagsabayan sa’yo, Luthor.

I heard him sigh. Ako naman ay nanatiling nakatingin lang sakaniya. He’s still wearing a dark green long sleeve and slacks. Hawak niya ang hinubad na doctor’s robe na may stethoscope pa sa bulsa nito. Mukhang kakagaling niya lang sa trabaho. I’m sure he’s also tired like me. Bumuntong hininga ako.

“Alis na ‘ko,” sabi ko sakaniya. Agad niya naman akong tinignan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin. His eyes were like asking but no words came out of his mouth. Tumayo ako ng tuwid at in-unlock ang kotse ko. I smiled at Luthor and about to enter my car when he spoke.

“Wait,” nilingon ko siya. “Are you busy?”

“Tapos na ang trabaho ko ngayong araw, doc.” I said softly. Napalunok ako nang lumapit siya saakin.

“Tapos na rin ang trabaho ko ngayon araw,” binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. “Let’s grab some food.” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya pero agad ring ngumiti.

“Sige,” he gave me a small smile. Agad kong ni-lock ulit ang kotse ko na ikinakunot ng noo niya. I chuckled. Akala niya siguro ay mag c-convoy kami.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon