Kabanata 16

2.5K 92 24
                                    


KABANATA 16.

Paskuhan.



THE DAYS came by so fast. I didn’t even notice the changes in my lifestyle so far. Araw-araw akong nagj-jog sa park na malapit sa tower namin simula nang mag-Christmas vacation. At araw-araw ko ring nakikita si Luthor doon. Sabi niya’y palagi raw siyang ando’n kina Ate Lilac. Hindi ko nalang pinansin.

These past few days madalas ding wala si Fita. Hindi naman ako nagtatanong dahil baka may inaasikaso lang siya. Hindi na rin ulit nag-aya mag-party sina Rafa dahil baka raw hindi na ako sumama sakanila sa Paskuhan. As if naman na hindi nila ako iiwan kapag ando’n na kami.

“Spica, okay ka na ba?”  Nilingon ko si Fita na ngayon ay nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Tumango ako at tuluyan niya nang binuksan ang pinto. She’s wearing a Harry Potter inspired dress. She looks oozing hot.

Nag-suot lang ako ng black off shoulder top and black high waist pants partnered with a black boots. May dala rin akong white cap at sling bag para paglagyan ng phone at wallet ko. After applying powder, sabay na kaming lumabas ng unit ni Fita.

It was three thirty PM when we arrived at the UST grounds. Medyo marami nang tao ro’n. May nakikita rin akong mga pamilyar na tao na pakalat-kalat sa UST grounds. Agad rin naming nakita sina Rafa at Adi. They’re not hard to find dahil nags-stand out silang dalawa.

“You guys are medyo late ah.” Sabi ni Rafa habang sinasalubong kami.

“Atleast we came, right?” I chuckled. Sabay sabay na kaming pumunta sa UST grounds. Habang naglalakad ay hindi ko napigilang iikot ang tingin ko. I know that I’m looking for a specific person. Pero kahit anong lingon ko sa paligid ko ay hindi ko siya makita.

Luthor didn’t text me kung saan kami magkikita. Ang sabi niya lang ay magkita kami bago magsimula ang fireworks. Many bands will be performing tonight and we agreed to watch them together. Pero ngayon, ni hindi ko alam kung nasaan siya o kung saan ba kami magkikita? Maybe I’ll just text him later?

Nang makarating kami sa grandstand ay may nagp-perform nang banda roon. It was ‘The Juans’ I think. The band was quite famous these days kaya’t maraming manonood. Though I listen to some of their songs, I’m not really a fan. Surprisingly, we found our way to be in front of the stage. Hindi ko alam kung paano kami nakalusot sa rami ng tao na naroon.

Hila-hila ako ni Fita at may ilang nakakabangga kaming estudyante. Pero dahil masyado silang tutok sa banda, hindi na rin nila kami sinaway. When we reached the front row, napakapit ako sa barricade na ando’n. Guards and medics were everywhere too. Talagang prepared sila sa event na ito.

Sa tatlong taon kong pagpunta-punta sa Paskuhan, kahit hindi naman ako rito nag-aaral, ay medyo pamilyar na rin ako sa UST. But I’ve never been to UST’s med school. Gusto ko sanang itanong itanong kay Rafa kung pwede ba kaming pumunta sa med school next time pero agad ko rin akong umatras.

Ano nalang ang sasabihin nila kung sasabihin kong pumunta kami sa med school? Wala naman akong ibang kakilala na nagm-med school. Si Luthor lang talaga. Panigurado’y pauulanan nila ako ng tukso kaya ‘wag nalang.

Pinilit kong ituon ang atensiyon ko sa banda na tumutugtog sa harap pero dinadala talaga ako ng isip ko kung saan. I don’t to be some uninterested guest lalo na’t nasa harap kami kaya’t nagpaalam ako kina Rafa na aalis muna ako. Sumang-ayon naman sila agad at mag-text nalang daw.

Nang makaalis ako sa crowd ay agad kong tinignan ang phone ko. I immediately opened it when I saw Luthor text. He texted!

‘Malapit ako sa grandstand. Where are you?’ Agad akong nagtipa ng reply.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon