Kabanata 28

2.2K 69 4
                                    


KABANATA 28.

Closer tonight.


I ROLLED my eyes at Fita who is now looking at us ridiculously. I felt Luthor’s hold slowly loosening up. Bahagya akong nadismaya pero agad rin akong nakabawi. Hinarap ko ngayon si Fita na hanggang ngayon ay nakanganga parin. Bahagya akong natawa, ganoon din si Luthor.

“Anong porn? Gaga ka!” natatawang sikmat ko kay Fita.

“Pucha, kanina lang si Alonzo kasama nito tapos ngayon si Luthor? Iba ang ganda mo, friend!” natawa ako kay Fita. Halatang may tama na ang isang ‘to. Kumuha siya ng isang shot ng alak at ininom iyon saka siya naupo sa couch.

“Pucha, Spica, umiikot ang paningin ko, friend. Lumilindol ba?” I laughed hard at what Fita said. Knock out na ang isang ‘to. Napaka-lasinggera kasi!

Ilang minuto pa ay dumating na rin sina Rafa at Adi. Mukhang may tama rin si Adi. Mabuti nalang ay mukhang hindi naman lasing si Rafa. Kapansin-pansin ang biglaang pagtahimik ni Luthor habang nagk-kwentuhan kami nina Rafa. He just sat there, not talking.

Hinayaan ko nalang siya. Ilang minuto pa ay nag-aya nang umuwi ang mga lasing. Tinulungan pa kami ni Luthor na alalayan sina Adi at Fita dahil bagsak na talaga ang dalawa. Nang maipasok namin ang dalawa sa back seat ng kotse ni Rafa ay agad na lumapit saamin si Luthor.

“Raf,” tawag niya kay Rafa. “Pwede bang ako nalang ang maghatid kay Spica?” napatingin ako kay Luthor. Bakit hindi siya saakin magpaalam?

“Sure! Basta mag-ingat kayo ah?” tinanguan lang siya ni Luthor. Rafa gave me a teasing look na inirapan ko lang. Hinintay namin na makaalis si Rafa bago kami pumasok sa kotse ni Luthor.

Pagkatapos kong maglagay ng seatbelt ay agad na binigay saakin ni Luthor ang phone niya. Napangiti naman ako. It really became a habit. While driving I poked him just to tease.

“Baka naman lahat ng nakakasakay dito sa sasakyan mo ay hinahayaan mong mag-play ng music sa stereo mo?” I ask teasingly pero parang hindi ata nagustuhan ni Luthor. His brows shot up.

“I never let other people play music in my car, Spica.” Seryosong sabi niya na nagpangiti sa’kin. Really, huh.

“Are you mad, now?” I asked playfully again. Nasa mood talaga ako ngayon para asarin si Luthor. I don’t know why. Alam kong pagod siya pero trip ko talagang mang-asar ngayon.

“What do you think?” sikmat niya. Natawa ako dahil sa inasal niya. Galit ba talaga siya?

“Bakit ka ba kasi biglang nagagalit dyan?” Natatawa kong tanong. Pero nawala akong tawa ko nang bigla niyang iginilid ang sasakyan niya at marahas na tumingin saakin.

“Ask yourself, Spica. Bakit ako biglang pupunta sa bar na ‘yon pagkatapos na pagkatapos ng duty ko? Bakit ako biglang pumunta doon dahil lang nakita ko ang picture niyo ni Guzman? Ask yourself.” Pabalang na sabi ni Luthor. Namilog naman ang mata ko. Alonzo’s IG story! He saw that? Kaya niya ako pinuntahan?

“But why?” bulong ko.

“You were so fucking beautiful and I can’t believe Alonzo is the first one who saw you. Damn, should I text you to know what you are wearing every time you go out to party?” napaawang ang labi ko. Magkasalubong ang mga kilay niya at parang nag-isip ng mabuti. Ako naman ay nanatili ang titig sakaniya.

Tonight by FM Static was playing on the stereo and it’s not helping!

“Ang hirap mong bantayan. The line of those guys who wants you is so fucking long!” Sikmat niya.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon