Kabanata 35

2.7K 94 91
                                    


KABANATA 35.

The Inspection.


NGITI LAMANG ang naisagot ko kay Luthor. Sa hindi malamang kadahilanan ay walang salitang lumabas sa bibig ko. I was too overwhelmed of the feeling that he’s giving me. Parang biglang gusto ko siyang tanungin ng mga tanong na dapat ay noon ko pa naitanong.

I want to ask him what happened. I want to ask him where he was. I want to ask him if he knew what happened to me while he’s away. Kasi ilang taon din ‘yon eh. Limang taon. Five whole years without communication. Ito nanaman ang pakiramdam na palagi kong nararamdaman tuwing naiisip ko siya. Panghihinayang.

Nanghihinayang ako sa mga oras na pwede kong sabihin ang nararamdaman ko pero hindi ko nasabi dahil natatakot ako. I felt this feeling before with my parents. Nagsisi ako noon dahil kung hindi ako nagmatigas, nakasama ko sana sila ng mas matagal. And now, the feeling of regret is slowly eating me. Nagsisisi ako na hindi ko pinakinggan ang nararamdaman ko noon.

Pero kung nailabas ko ba itong nararamdaman ko noon, may magbabago ba? Maybe yes. Maybe no. Kahit naman umamin ako noon, aalis parin siya papuntang Amerika at mangyayari parin ang nangyari sa pamilya ko. On the other side of this, ang pagtatago ko sa nararamdaman ko ay ang mas magandang gawin.

If I pursued my feelings for him before, it’ll just burden us both. My feelings would be a wall that’s blocking him from reaching his dreams. My feelings would be a burden if I let it out before. I’m glad that I didn’t confess before. Hindi iyon ang tamang oras. At sa tingin ko, hindi na darating pa ang tamang oras.

Wala nang saysay pa kung mailalabas ko ang nararamdaman ko. Ikinulong ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto kong maiyak dahil wala akong magawa. I only felt this once and I doubt that I will still feel this again. Kay Luthor ko lang naramdaman ‘to. At ang pakiramdam na ‘to ay mananatiling kay Luthor.

The words that I can’t verbalize will be written on a piece of paper and will be forgotten as the time goes by. But always know that this heart always belongs to one person. This heart belongs to Luthor.

MY FATHER and my little brother arrived on the weekend. Ang condo namin ni Fita noong college kami ay naging akin nang buo. Fita moved to Batangas to manage their farm and she’s also working as an architect there. When she moved, she gave me this condo. Pero hindi ako pumayag na hindi ko bayaran ang parte niya.

She said it was okay but I still paid for it. At ngayon ang dating kwarto ni Fita ay naging guest room na. Tuwing bumibisita siya rito sa Manila ay dito rin siya tumutuloy. At kapag sina Papa naman ang bumibisita ay sila naman ang tumutuloy doon.

“Ate, can I go to work with you po?” my cute little brother asked me. Kasalukuyan kaming naga-almusal. Kailangan kong pumunta sa site ngayon dahil sa weekly inspection. Bahagya kong ibinaba ang ulo ko para maging magka-lebel kami.

I pinched my brother’s cheek. He is a healthy boy. Halata iyon kahit noong baby pa siya. he was a pre-mature baby but he is healthy. At isa pa, kamukhang kamukha niya si mama. Ni wala siyang nakuhang features galing sa totoo niyang tatay. Talagang carbon copy siya ni mama. Boy version nga lang. I smiled.

“No, Dice. Stay ka muna with papa, okay? Ate will go to work muna tapos mamamasyal kayo ni papa, okay po?” nakakaintinding tumango si Dice. I smiled and mess his hair.

“’Nak, anong oras ka uuwi?” tanong ni papa habang kumakain.

“Hapon na po ata, pa. Kailangan po kasi ako roon sa site ngayon.” Tumango lang si papa. After our breakfast, I kissed papa and Dice before going to work.

Nang makarating ako sa site ay magsisimula palang mag-trabaho ang mga workers. Agad kong kumuha ng hard hat at isinuot ito.

“Good morning, engineer!”

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon