Kabanata 12

2.6K 93 9
                                    


KABANATA 12.

Best girls.

NOW I regret drinking that fucking cold juice. Totoong masarap 'yong cookies. Sa sobrang sarap nga ay naparami pa ako ng kain. At syempre dapat uminom rin ako ng panulak. Kaso wrong move ata na ininom ko 'yong malamig na juice. I have my period and I drank a cold juice! Now, I'm in pain because of this damn thing called menstrual cramps!

"Ate Spica, the lunch is ready na daw po." Archie and Lily were standing in front of me. Nagluto ng lunch si Luthor kaya wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ko. Gano'n din ang mga cute na batang nasa harap ko.

I smiled weakly at them. "Mauna na kayong kumain, babies. Ate Spica will just do something, okay?" Napipilitang tumango ang mga cute na chikiting at bumalik na sa komedor.

Pagkaalis nila ay agad akong pumikit at hinawakan ang bandang puson ko. Namimilipit na ako sa sakit. Pero nakakahiya naman kung gugulong ako dito sa sofa 'di ba? Hindi ko naman bahay 'to at kahit papano ay may hiya pa naman ako.

"Hey, 'di ka kakain?" I opened my eyes and saw Luthor in front of me. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero wala naman siyang kasalanan. Ako lang talaga 'tong patay gutom na hindi inisip na may period nga pala ako at bawal akong uminom ng malamig.

"M-mamaya nalang siguro."

"You okay?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya kaya nginitian ko siya.

"Yeah, just cramps." Just cramps ampucha. Anong just cramps ka dyan, Spica?! Halos mamatay ka na sa sakit tapos just cramps lang? Amplastic mo!

"Um, pakainin ko muna 'yong mga bata. I-I'll come back." Then he left. Takte naman talaga oh. Akala ko concerned na talaga eh. Tapos nilayasan lang ako?! Edi wow sa'yo Luthor!

Kinuha ko ang bag ko at hinalughog iyon. Hoping that I brought a pain reliver, pero nailabas ko na ata lahat ng gamit na nasa bag ko pero wala parin akong makitang pain reliver. Bad timing amputs.

Bakit ba kasi ako hindi nakapagdala ng pain reliever? Madalas talaga akong magkaroon ng cramps tuwing may period ako. Lalo na kung nakakakain ng malamig o maasim. Tatlong araw lang ang period ko pero bad trip rin kasi lagi akong may cramps sa loob ng tatlong araw na yan. Kaya nga ako lagging may baong pain reliever. Kaso wala akong dala ngayon. Pucha talaga.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at minasahe ang bandang puson ko, hoping that the pain will subside. But it didn't. Sa halip ay mas lalo itong sumakit!

Huhu. Siguro hindi ako nagkaka-cramps noong past life ko kaya ako pinaparusahan ngayon. Baka gano'n nga. Huhu, grabe namang parusa 'to. Tatlong araw na parusa. Gusto ko nang umiyak at gumulong-gulong sa buong sala pero hindi ko magawa dahil wala naman ako sa sarili kong bahay.

Nakailang palit na rin ako ng puwesto sa sofa pero hindi talaga umaalis ang sakit ng puson ko. Halos isumpa ko na rin si Eva dahil kung hindi dahil sa karupukan niya ay hindi naghihirap ng ganito ang mga babae. Kung hindi niya sana kinain ang pesteng prutas na 'yon ay walang menstrual cramps!

Si Eva naman kasi eh, simpleng utos lang hindi pa sinunod. Milyon-milyong babae tuloy ang nagdurusa dahil sa menstrual cramps! Huhu pucha talaga. Pati si Eva nakakadamay sa mga hinanakit ko sa buhay. Pesteng cramps, yawa!

Muntik ko nang paulanan ng maraming mura si Eva nang may kumalabit saakin. I opened my eyes just to see Luthor in front of me. Nangunot ang noo ko. 'Di ba dapat pinapakain nito 'yong mga bata? Naks, I sound like a mother. Haha, funny ka gurl?

"Here, may dala akong hot compress at pain reliever," Napatingin ako sa hawak niyang tray. May hot compress nga doon at gamot at isang basong tubig na nasisiguro kong hindi malamig. Buti naman. "Drink this already and stop blaming Eve for your menstrual cramps."

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon