Kabanata 13

2.6K 88 8
                                    


KABANATA 13.

Galit ka?


THE next days were normal. Normal means, Luthor picking me up at nine in the morning to go to De Leon residence to tutor Archie. Then having lunch at twelve and eating snacks at three. And after the study hours, we usually go outside. Palagi ring kasama ni Luthor ang kapatid niya dahil masyado na raw itong nab-bored sa bahay nila.

The rest of my week were spent like that. It seems like a process at nasasanay na rin ako pero dahil isang linggo lang naman ang pagtu-tutor ko kay Archie ay kailangan din naming magpaalam sa isa’t isa. Iyak nang iyak si Archie nang sabihin kong last day na ng pagt-tutor ko.

Halos hindi na niya ako paalisin sa condo nila. Tito Conrad and Tita Arnie were there to comfort their son pero hindi parin talaga natigil sa pag-iyak si Archie. Ako raw kasi ang unang tutor ni Archie kaya siguro gano’n.

When Archie hugged me while crying, I just lost it. Kaya nangako nalang ako sakaniya at kay Lily na bibisita nalang ako kapag may libreng oras ako. Natigil si Archie sa pag-iyak dahil sa sinabi ko. I assured that I’ll visit him kaya naman hinayaan niya na akong makauwi.

Weeks passed already. Tapos na ang sem break at undas break at balik na ang pagka-stress ko sa school. Andaming requirements at projects na kailangang ipasa. Idagdag pa ang mga terror na prof na nagpapahirap ng bongga sa buhay ko.

At sa mga linggo rin na nakalipas, sinadya kong ‘wag pansinin si Luthor. He was just being a friend. He’s sending me texts or DMs, asking how am I and such. Pero kahit isa sa mga messages niya ay wala akong ni-replyan ni isa. Hindi ko alam pero mas na-conscious  ata ako sakaniya.

We became a little close while I was tutoring his cousin. At napansin ko rin na may iba akong nararamdaman kapag malapit siya. Syempre hindi naman ako shunga para hindi malamang medyo naa-attract na nga ako kay Luthor. But our relationship (kung ano man ang meron kami ngayon) ended when I finished tutoring Archie.

I mean, I know he’s just being nice to me because I’m tutoring his cousin. Natural na mabait si Luthor and I’m taking it differently. Ayaw ko no’n. Gusto ko kung anong turing niya saakin ay ganoon rin ang turing ko sakaniya. Pero mahirap ‘yon lalo na’t inamin ko na rin sa sarili ko na naa-attract na nga ako sakaniya.

I don’t want to feel this so I kept the distance between us. The De Leon’s are always inviting me to have lunch with them or just a simple hang out pero lagi akong tumatanggi sa takot na baka ando’n si Luthor. Nahihiya na nga ako kina Tita Arnie. Ang lagi kong palusot ay busy sa school, which is partly true naman.

Alangan naman kasing sabihin ko na, ‘Sorry Tita. Ayaw kop o kasing makita ‘yong pamangkin niyo kaya hindi ko kayo napapaunlakan.’ , ang weird naman kong sasabihin ko ‘yon ‘di ba. Kaya para safe, no De Leon allowed na muna. At para makatotohanan naman ‘yong excuse ko, I busied myself on making our requirements. As in, aral kung aral. No parties allowed. 

Kahit sina Rafa ay wala ring oras para mag-party dahil masyado na ring busy. Kami naman ni Fita ay halos hindi na magkamayaw kakagawa ng plates. Hindi ko alam kung anong mas mahirap, archi ba o engineering pero parang parehas lang naman dahil pareho naman kaming stressed ni Fita!

“Sa tingin mo makakapag-laro na si Adi sa second round?” Tanong ni Fita saakin habang nasa sala kami at sinusulit ang free time namin. Sabado ngayon at kakatapos lang namin ng plates namin. Nanonood kami ng UAAP women’s volleyball habang nagchi-chismisan.

“Baka makapaglaro na rin siya sa second round. Tutal ayos naman na ‘yong balikat niya ‘di ba?” tumango lamang si Fita.

We were talking about Adi. Adi is a member of De La Salle Lady Spikers but she didn’t play on the first round of the league dahil nagka-injury bago pa man magsimula ang season. We were hoping to see her on court soon though. Mas mabuting nasa court siya kaysa party siya nang party kasama ni Rafa ‘no.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon