Kabanata 27

2.2K 72 20
                                    


KABANATA 27.

Better.



NAPANGANGA AKO sa sinabi ni Luthor. Hindi ko alam kung pagkagulat ba o pagkadismaya ang nararamdaman ko ngayon. He doesn’t want to be friends with me? What does he mean by that? Akma akong magsasalita pero nabitin ang pagsasalita ko nang mag-ring ang cellphone niya.

He broke our eye contact to get his phone. Nakamasid lang ako sakaniya habang sinagot niya ang tawag.

“Hello, Dad?” pinaningkitan ko siya. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Luthor. How can he say that he doesn’t want to be friends with me anymore? Ayaw niya na akong maging kaibigan? Pero bakit?

“Now?” he asked on the other line. Bahagya pa siyang sumulyap saakin bago muling kinausap ang nasa kabilang linya na sa palagay ko ay si Tito Logan.

“Okay, Dad.” Ibinaba niya ang tawag. Agad siyang sumulyap saakin.

“Sorry, Spica. But I have to go to the hospital. Aasikasuhin ko lang ‘yong sa residency ko.” Napaawang ang labi ko. Agad siyang tumayo at nagpaalam sa’kin pero hindi ko siya pinansin. Hanggang sa makaalis siya sa condo ay nanatili ang mga mata ko sa parte ng sofa na kinauupuan niya kanina.

Really, Luthor? After dropping a bomb, you’ll leave me here? Great!

BAGO AKO umalis ng Batangas ay positibo sa pag-aaral ko. Sa katunayan ay naging mas inspired pa nga ako dahil kay mama. Pero ngayon ay parang nagdadalawang isip ata ako. Three weeks after the school year starts, we already looked like a zombie. I am now a fourth year engineering student. Masaya naman ako dahil isang taon na lang ay ga-graduate na ako. pero kinakabahan ako nab aka hindi ako makaabot ng fifth year!

Kung may nagsasabi man na madali lang ang Civil Engineering, maling-mali siya. Ni hindi ako makapaniwala na nakaabot ako ng fourth year! At ngayon naman iniisip ko kung aabot pa ba ako ng fifth year. Pahirap nang pahirap ang subjects naming. Dumagdag pa sa sa pressure ko na nalagasan kami ng mga blockmates.

Marami kami noong freshmen year, pero ngayon, pakonti na kami ng pakonti. Ano ‘to, matira matibay? Well, siguro nga. Ang iba kong ka-batch ay nag drop out. Ang iba naman ay ibinagsak ng ilang professors. Ito na nga ba ang sinasabi ko, kung kulang ka sa lakas ng loob, ‘wag na ‘wag kang mag e-engineering.

Actually, lahat naman ng course kailangan ng lakas ng loob. Ang kaso lang, dito sa engineering, kailangan mo ng extra effort. Marami kang isusuko kung gusto mong magtagal. At kung aatras ka lang naman, mas mabuti pa na ‘wag ka nang mag-umpisa. Sayang ‘yong slot mo kung hindi ka magpapatuloy. Maraming gustong makapasok sa UP pero iilan lang ang nakakapasok. Tapos kapag nakapasok na, ano? Aayaw rin naman? Sayang lang.

Isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit tumagal ako. Inisip ko nalang, wala akong binabayarang tuition fee tapos magbubulakbol lang ako? Napabuga ako ng hangin nang matapos ko ang isa kong plate. Nilinis ko ang mga kalat ko at inilagay ang natapos kong gawain sa kwarto.

Medyo mahirap para sa’kin ang simula ng school year na ‘to. At sa kauna-unahang pagkakataon ay hiniling ko na sana ay mag undas break na agad. If my friends will see what’s on my mind, they will probably laugh. Spica, their academic freak friend is bored at school. Great news for them.

I rolled on my bed to get my phone. A text from Rafa came and I can never be more thankful. My party freak friends is inviting me for a party and for the first time, I got excited!

Agad akong naligo at nag-ayos. I even wore clothes that I never thought I would wear voluntarily! I wore a spaghetti strap silver crop top. Kita ang balat ko sa may tiyan dahil sa suot ko. Rafa would be happy about this for sure. I partnered my top with a high waist black leather skinny jeans. It looks good even though I don’t know if it’s stylish enough. But nevertheless, I settled with it.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon