Kabanata 11

2.8K 90 16
                                    


KABANATA 11.

Thunder.




“THANKS for dropping me off.” Lumingon ako kay Luthor na nasa driver’s seat.

Pagkatapos naming manood ng isang episode ng Phineas and Ferb ay nag-volunteer si Luthor na ihatid ako. Pero dahil walang kasama si Archie sa condo nila ay isinama niya na rin ito sa paghatid saakin.

“Dyan ka po ba nakatira, Ate Spica?” I turned my gaze to Archie who’s comfortably seating on the back seat of Luthor’s car.

“Yes po. I live there.” Tumango-tango naman siya.

“Anong oras ka pupunta kina Archie bukas?” Luthor asked.

“Ten AM magsisimula ang study hours ni Archie so baka nine-thirty, papunta na ‘ko ro’n.” Luthor nodded. “I’ll pick you up.” Gulat akong napatingin sakaniya.

“What?”

“I’ll pick you up. At ‘wag ka nang umangal. Wala akong ginagawa sa bahay. At saka dadalhin ko rin ‘yong kapatid ko kina Ate Lilac.” Medyo defensive ang pagkakasabi niya no’n kaya tinawanan ko nalang siya at nagpaalam na.

Kahit naman kasi tumanggi ako ay susundin niya parin ang gusto niya. Ang tigas ng ulo. Pinanood ko ang kotse hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Pumasok na ako sa tower pagkatapos. Nang makapasok ako sa unit naming ay nabigla pa ako nang makitang nagn-netflix si Fita sa sala.

“Gulat ka, friend? Ngayon lang nakakita ng maganda?” Natawa ako sa sinabi ni Fita. Tumabi ako sakaniya at nakikain rin sa pop corn na kinakain niya.

“Hampas lupa.” Komento niya.

“Akala ko ba sa pasukan ka pa uuwi?” Nakita ko pang nag roll eyes siya.

“May nakakainis kasing tauhan do’n sa farm eh! Kaya kahit fini-feel ko pa ang fresh air, napilitan akong umuwi dahil naiinis na talaga ‘ko sa lalaking ‘yon!” Inis na turan niya. Napakunot naman ang noo ko.

“Si namang tauhan?” Mas lalong nalukot ang mukha niya.

“Argh! Anak nina Tay Dante at Nay Cyntia. Ang bait-bait ng mga magulang pero ang sama ng ugali!” Lalong nangunot ang noo ko.

Tatay Dante and Nanay Cyntia were the care takers of their house and farm in Batangas. Close ang pamilya ni Fita at pati na rin ako kina Tatay Dante at Nanay Cyntia. Sila ang pinaka-pinagkakatiwalaang emleyado ng farm nina Fita. Pero ‘di ko maintindihan kung bakit inis na inis si Fita sa anak nila.

Hinayaan ko nalang na mag-rant si Fita tungkol sa pagkainis niya sa anak nina Tay Dante at Nay Cyntia hanggang sa mag-dinner time. Nagluto na ako ng dinner at sabay na kaming kumain.

“Sabahan mo ako bukas ah, ‘di pa ako nakaka-enroll.” Napangiwi ako nang maalalang ‘di ko pa nga pala nasasabi kay Fita na may on-going raket ako ngayon.

“’Di kita masasamahan. May raket ako.”

“May tutor ka? O ibang raket? ‘Di naman illegal ‘yan ‘di ba?” sinamaan ko siya ng tingin. She just laughed. Kahit papano naman pala ay mas magaan ang paligid kapag andito si Fita. Masyado kasing malungkot kapag mag-isa lang dito. Dati mas gusto ko naman na mag-isa. Pero simula no’ng tumira ako kasama si Fita, nasanay na akong may kasama.

“Tanga, kukunin ko ba ‘yon kung illegal?” Natawa siya.

“Saan ba ‘yan?”

“Dyan lang sa pang-yamings na tower sa BGC.” Sagot ko habang kumakain parin.

“Ay, big time ba ‘yang tutee mo?” Uminom ako ng tubig at tumango. Siya naman ay kuakain parin.

“Kilala mo si Engr. De Leon?”

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon