Kabanata 20

2.5K 73 5
                                    


KABANATA 20.

December 31st.


“FRIEND, hindi ko na talaga kaya. Parang sasabog na ako, huhu.” Right after Luthor left after dinner, nakipag-facetime agad ako kina Rafa, Adi at Fita. Gusto kong mag-kwento sakanila. Gusto kong ilabas lahat, para na talaga akong sasabog.

Hindi rin ako masyadong nag-kwento sakanila tungkol kay Luthor dahil naisip ko na hindi naman iyon necessary. Pero ngayon, I feel like telling them everything. Hindi naman sa may tinatago ako sakanila and it’s not like may forbidden relationship kami ni Luthor. Duh, wala, okay. Pero itong napapansin ko sa sarili ko these past few days, ito ata ang forbidden.

“You mean to say, noong nakasalubong natin ang mga de Leon sa simbahan, may gusto ka na no’n kay Luthor kaya hindi mo siya pinapansin?” Fita asked. Nanlaki ang mga mata ko sa word na ginamit niya!

“Wala akong gusto kay Luthor, okay!” sikmat ko pero tinawanan lang ako ng tatlo. They laughed as if what I just said is really ridiculous.

“Okay, Spica-girl. Wala ka nang gusto sakaniya. Pero pa’no mo mapapaliwanag ‘yong mga nararamdaman ko kapag kasama mo siya?” Adi fired. Sinabi ko sakanila lahat-lahat. Pati na rin ‘yong mga nararamdaman ko kapag malapit si Luthor lalo na ‘yong naramdaman ko nang sinorpresa niya ako noong pasko. Lahat, sinabi ko sakanila.

Gusto kong marinig ang masasabi nila. Dahil kahit mismong ako, hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ang nararamdaman ko ngayon.

“Pero kaibigan ko siya, imposible namang may gusto ako sakaniya, ‘di ba?” I hopelessly asked them. They just looked at me. We we’re screens away pero alam na alam ko ang mga tingin nilang ‘yan. I want to hear from them na mali ako. Na wala akong nararamdaman kay Luthor na mas higit pa sa pagkakaibigan.

Maayos na lumapit saakin si Luthor para pakipagkaibigan. At dapat suklian ko rin iyon ng pagkakaibigan pero hindi ko naman pabigilan ang sarili ko na maramdaman ang nararamdaman ko ngayon hindi ba? I tried to avoid him before. Kasi alam ko sa sarili ko na nag-iiba na ang pagtingin ko sakaniya.

  But I ended up being friends with him anyway. Antagal ko ring itinanggi sa sarili ko. Antagal ko ring ibinaon ang nararamdaman ko kasi gusto kong maging kaibigan ko siya. Ayaw ko sa nararamdaman kong ‘to. Kasi alam ko sa sarili ko na kapag nagkagusto ako sakaniya, hindi kami puwedeng maging magkaibigan.

“Kung ang gusto mong marinig sa’min ay comforting words, alam mo na ang sagot dyan. Alam nating lahat na may crush ka kay Luthor, ba’t pa natin itatanggi?” Fita said again. Napabuntong hininga ako.

“Ano nang gagawin mo ngayon? Tutuloy ka pa ba sakanila sa New Year’s Eve? That’s about two days from now.” Ani Rafa na kanina pa tahimik.

“Oo naman, tutuloy pa ‘ko. Nakakahiya naman kung ‘di ako sisipot ‘di ba?” tumango-tango naman sila.

“You freaking like someone, I can’t believe it!” Natatawang sabi ni Adi. I rolled my eyes on her. Walang nakakatawa, Adriana!

“Basta if you do something stupid, you know who to call ah.” I rolled my eyes at Rafa. Hindi ako gagawa ng katangahan, ‘no. kotang-kota na ‘ko ro’n. Nag-kwentuhan pa kami saglit bago nagpaalam sa isa’t isa. Nag-goodluck rin sila sa’kin dahil baka raw bigla nalang akong mapaamin kay Luthor ng wala sa oras. I just laughed at them.

Humiga na ako sa kama ko at inisip ang mga sinabi nila kanina. Matagal ko na ring napapansin na iba ang nararamdaman ko kay Luthor. What I’m feeling for him, it’s not what a friend will feel towards a friend. It is more than that.

Aaminin ko na sa sarili ko na may gusto nga ako kay Luthor. Pero ano ba ang mababago ng pagkakagusto ko sakaniya? We’re friends and nothing will change. Wala ring magbabago sa pakikitungo ko sakaniya o siya saakin. Kung ano man itong nararamdaman ko para sakaniya, alam kong wala namang magbabago. Kaya hindi ko alam kung bakit sobrang big deal sa mga kaibigan ko kung may gusto ba ako kay Luthor o wala.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon