“Is it okay if we use your car? Medyo pagod ako eh.” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad rin siyang nakabawi at inanyayahan akong pumunta na sa kotse niya. I was just walking behind him, watching his back.

Huminto kami sa harap ng isang puting kotse, must be his car. I’m not good with cars so I can’t determine what model is it. Pinasadahan ko ito ng tingin. Hindi ito ‘yong dati niyang kotse pero puti parin ang kulay ng kotse niya ngayon, just like before. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

Natigilan ako sa ginawa niya. I remembered before, he used to pick me up way back when I was in college. Naalala ko ang mga alaala namin tuwing sumasakay kami sa kotse niya. I smiled when I remembered how he throw me his phone para ako ang mag-play ng music. Napasimangot ako. Baka may iba na siyang pinagp-play ng music sa stereo niya.

Alam kaya ng kung sinong nagp-play ng music sa stereo niya ang music taste niya? Kasi ako, alam na alam ko. He likes indie or alternative rock or punk rock music. Or did he change his taste through the years?

“Spica?” I was driven back to reality when Luthor called my name. Nakaramdam rin ako ng hiya nang makitang nakatingin siya saakin. Binagbuksan niya pala ako ng pinto. Agad akong pumasok doon para matakpan ang pagkapahiya.

Sa biyahe naman ay tahimik kami. Walang music, walang nagsasalita. Ini-expect ko na magiging awkward ito pero ni katiting na awkwardness ay wala akong naramdaman. I don’t want to reminisce our memories while inside the car but I can’t help it.

All the drives, our laughs, all the songs that we used to sing, all the places that we’ve been, it all came running in my memory. Hindi mawala-wala ang mga alaala namin ni Luthor. Kahit saan ako magpunta, coffee shops, school, hospitals, even on my own condo, lahat nando’n siya. All the places that I went to, I always see his face. Not physically but his face were tattooed in my memory.

All the songs from our favorite bands remind me of him. All the concerts and gigs that I attended, I always wish that we’re on the same crowd. He’s just all over my system. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi ko makalimutan si Luthor noon. Now I know the answer. How can I forget the person who invaded my system for a long time?

Pinagmasdan ko si Luthor habang nagd-drive siya. I doubt if I can ever forget that face. I would never. Not now, not tomorrow, not ever.

“Can I play a song?” I asked. I saw him stiffed. Humigpit ang hawak niya sa manibela at nanigas ang panga niya. Nakita ko rin kung paano magdikit ang mga kilay niya. He cleared his throat.

“Y-Yes, you can.” He said without looking at me. I smiled before opening my phone to connect on his stereo.

I put my playlist on shuffle. When a song played, I heard Luthor cleared his throat. Bahaya rin siyang umayos ng upo. Hindi ko nalang pinansin at nakinig nalang ako ng kanta.

'Hindi ko maamin sa sarili
Hindi ko maamin sa iyo

Na nalulunod na ako
Sa tula ng ating puso

Samahan mo akong
Intindihin ang talinghaga
Ng pag-ibig

O, pwede bang hilahin mo nalang ako
Sabihin mo may mararating ito

Kasi kung tamang oras lang naman
Ang problema

Kayang-kaya kong maghintay
Basta ikaw ang kasama'

Napalunok ako nang tumagos saakin ang liriko ng kanta. All the songs on my playlist reflects my feelings. Lahat ng kanta, bawat liriko at melodiya, lahat nang ‘yon ay sumisimbolo sa sarili kong nararamdaman. All the words that I can’t speak, I let it out through songs.

War in KatipunanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora