Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"

Beginne am Anfang
                                    

"Don't be jealous, cherish" mas malambing na sabi niya. "Kapartner ko lang talaga siya sa case study. Siya si Marie. Sinabi ko sa kaniya no'ng ihatid ko siya sa gate na girlfriend kita at soon to be wife"

Unti-unting nawawala ang inis ko sa kaniya. Buset naman!

"Wag ka na magalit" ipinatong niya ang mukha niya sa likuran ko. "I miss you buti dinalaw mo ako nababaliw na ako sa dami ng ginagawa sa school. Nawala ang pagod ko dahil saiyo"

Awww! Na-touch naman ako pero hindi galit pa din ako!

"Okay, uuwi na ako" sabi ko pero 'di niya ako binitawan.

"Let's sleep together" sabi niya.

Kinuha niya ang cellphone at nag-pipindot do'n.

"Yes tito. Dito siya matutulog. Sige po, opo, bye tito"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya sa phone. Pinaningkitan ko siya ng mata. Pinaalam niya ba ako sa bahay?

"Dito ka matutulog. Halika na kain na tayo" hinila niya ako papunta ng kusina.

Pinag-silbihan niya ako.

"Nasan sila Manang Cora?" tanong ko.

"Nasa MOA gumagala" sabi niya.

"Bakit 'di ka sumama?"

"Busy ako eh" sabi niya at saka nilapag ang plato na may kanin sa harap ko.

Ang ulam ay sinigang na baboy. Kinuha ko agad ang mga gulay lalo na ang okra.

"You're vegetarian huh?" sabi niya habang nakatingin sa plato ko.

"Of course" at saka ako masiglang kumagat.

Bigla ay parang nakalimutan ko na ang inis ko sa kaniya.

Makita ko lang ang mukha niya nakukumpleto na ang araw ko. Masyado siyang perpekto para sa akin.

"Kain ka ng marami huh?" nakangiti niyang sabi.

"Hmm" sabi ko habang puno pa ang bibig.

"Gusto mo ba mag-swimming?" tanong niya. "Ang init kasi hihi"

Night swimming? Parang gusto ko nga 'yon. Sige!

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa pool area. Nakasando lang siya at short. Ako naman ay naka-cycling at sando din. Nakakahiya mag-two piece dal'wa lang kami dito.

"Let's go!" hinila ako ni Flair at sabay kaming tumalon sa pool.

'Di ko alam kung anong trip nito pero gusto ko!

Lumangoy ako at nakipag-habulan kay Flair.

Tawa lang ako nang tawa dahil hindi niya ako maabutan. Sobrang saya ko dahil kasama ko siya ngayon parang kahit anong pagod ko sa school ay nawala dahil sa kaniya. Sobrang namiss ko siya pero hindi ko masabi.

Nahuli niya ako at yumakap sa baiwang ko.

"Ang ganda mo" sabi niya at tinanggal pa ang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko.

"Wow! Parang dati sinabihan mo ko ng pangit!"

"Kailan 'yon?"

"No'ng una tayong mag-kita"

"Wala akong sinabi no'n. Assumera"

Inis ko siyang hinampas pero yumakap lang siya.
Ang panatag nanaman ng paligid ko. Pakiramdam ko sa tuwing nandito siya ligtas ako.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt