Chapter 37 "At Flair's House"

Start from the beginning
                                    

"Where is Clench?" tanong ni Kean.

"Ayon humihilik pa" sabi ni Rev habang inaayos ang upuan sa tabi ni Lance at saka pinaupo rin do'n sina Ali at Arah.

"Tawagin mo na nga" utos ni Zeal kay Lance at pikon naman siya nitong tiningnan.

"Why me?" nakakunot ang noong sabi ni Lance.

"Kasi ikaw inuutusan ko, PARTNER" nakataas pa ang kilay na sabi ni Zeal para namang natakot si Lance kaya inis itong tumayo at tinawag si Clench.

"Inaantok pa ko e" tiningnan ko si Clench na pupungay-pungay pa ang mata habang naglalakad papunta sa hapagkainan.

Maya maya pa ay bumaba na rin si dad nakabihis na ito at papasok na sa trabaho.

"Flair, anak. Papasok na ko ikaw na bahala sa mga kaibigan mo" sabi ni dad. "Enjoy your stay, guys!" Baling ni dad sa mga kaibigan ko.

"Tito, hindi ka muna ba maga-almusal?" - Zeal

"Sa office na. Nagmamadali ako e" sumulyap pa siya sa relo niya. "Sige na. Una na ko guys!" tinapik ni dad ang balikat ko.

"Bye" paalam nilang lahat.

"So, kapag ganito magisa kalang talaga, Jave?" tanong ni Arah.

"Oo, eh. tara na kain na"

Masaya na kaming kumain.

"Ano ba! Akin 'yan e!" Asik ni Carme kay Clench dahil kinuha nito ang ham niya.

"Wala ng ham, eh!" itinaas pa ni Clench ang tinidor niya para 'di maabot ni Carme at ng makakuha ng tiyempo ay kinain niya ang ham.

"Ugh!" - Carme

"Kayo talagang dal'wa!" inis na turo ni Zeal sa dal'wa. "Magluluto nalang ulit ako"

Akmang tatayo na si Zeal pero nagsalita si Carme.

"Wag na, okay na" nakasimangot si Carme.

Nakakatuwa silang tingnan para silang magkakapatid na nagaaway. Ang cute!

After namin magbreakfast ay umakyat muli kami sa kwarto ko at humiga. Baka puyat 'yang mga yan dahil sa kakainom kagabi.

KINAGABIHAN

Kumain muna kami ng dinner at tumambay sa sala. May malaking TV kami kaya naman nanonood lang kami. Tabi-tabi kami, ako ay nasa tabi ni Zeal, pinag-gigitnaan namin siya ni Kean. Nagluto rin si Zeal ng popcorn kaya kumakain kami habang nanonood ng TV.

Nang matapos ang palabas ay nagsuggest si Zeal ng papanoorin.

"Human centipede!" sigaw niya at lumapit sa TV.

"Kadiri! Ayaw ko no'n" - Carme

"Nakakatakot yo'n" - Arah

"Ang ganda nga, eh!" masiglang sabi naman ni Clench.

"Wow sa kaduwagan mong 'yan?" Sarkastikong sabi ni Lance, sinamaan lang siya nang tingin ni Clench.

Sa huli ay wala silang nagawa nagplay na ang movie. Bumalik si Zeal sa tabi ko, namin pala ni Kean.

"Aishhh!!" sigaw ni Carme.

Ang nangyayari na ay 'yong pinainom ang dal'wang babae ng tubig, nahilo ito at nakatulog.

Tiningnan ko si Zeal grabe ang nood niya pero nakahawak ang kamay niya sa braso ni Kean nang sobrang higpit.

Nanonood lang kami, intense ng movie.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now