I slept at my thoughts. Pagkagising ko ay nag-isip agad ako ng puwedeng dalhin para sa parents ni Luthor. Pero ilang oras na akong nag-iisip pero wala pa ring pumapasok sa utak ko. Nag-research na rin ako pero wala pa rin.

I ended up researching for some nice dishes. Mas okay siguro kung pagkain nalang nag dadalhin ko, ‘di ba? At least I’ll bring what I’m good at. Kung hindi nila magustuhan edi better luck next time. Not that I’m expecting a next time though.

IT WAS ten in the evening, December thirty first, when Luthor picked me up. He was so dashing on his denim pants and light colored sweater. Even with his dark features, he looks so soft wearing that sweater. Mukha siyang huggable but there’s no way I will hug him. Mahirap na, baka mapaghalataan.

We’re on our way to their house. As usual, he let me play the music. Now that I accepted that I have feelings for him, I started to think irrational things. Like, may nakasakay na bang ibang babae sa sasakyan niya? Of course meron, and it’s making me a bit comfortable. Baka dito niya rin isinakay sa shotgun seat. Gosh, parang gutso ko na tuloy lumipat sa back seat!

I stared at his phone. Hinahayaan niya rin bang mag-play ng music ang mga naisasakay niya rito? Agad na umasim ang pakiramdam ko sa naisip. Buong biyahe tuloy ay masama ang mood ko at kapag kinakausap niya ako ay tango at iling lang ang naisasagot ko.

Seriously, lahat ba ng nagkakagusto ganito ang nararamdaman or it’s just me? It’s my first time to admit that I’m actually liking someone and now I’m starting to think some not-so-earthly things. Is this natural? I mean, it this is natural, it actually sucks! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya hindi ako nagkakagusto sa iba romantically ay dahil na rin kung ano ano ang naiisip ko. I feel like sulking!

Nang makarating kami sa bahay nila, which by the way doesn’t look like a house, it’s a freaking mansion with high walls and chandeliers!

  “Hey,” Luthor spoke. “We’re here.”

Kinalas ko ang seatbelt at nauna na akong lumabas ng kotse. Kinuha ko ang niluto kong lasagna sa back seat ng kotse niya. Yeah, I ended up cooking lasagna. I know it’s lame but at least I exerted some efforts, right? Narinig kong isinara niya ang pinto ng kotse niya, tanda na lumabas na rin siya.

Lumapit siya saakin at kinuha ang dala ko. Hinayaan ko nalang siya dahil kinakabahan ako. Alam ko namang mabait ang parents ni Luthor pero kinakabahan parin ako. Halos mapatalon ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

“Tara na?” Tumango ako at hinayaan siyang gabayan ako papasok sa bahay nila. nang makapasok kami ay agad akong namangha. Maganda ang labas ng bahay pero mas maganda sa loob! Napaisip tuloy ako kung sino ang architect ng bahay nila, ang ganda ng pagka-hulma ng bahay!

Nakalagay ang mga muwebles sa dapat nitong kalagyan. The floor was clean and there’s a chandelier on the high ceiling of their salas. May mga indoor plants din doon at mga paintings. Ang ganda ng loob ng bahay nila. ang sarap magpa-ampon.

“Luthor? Anak?” my eyes landed on the woman in front of us. This is the famous Leana de Leon, Luthor’s mom. Humalik si Luthor sa nanay niya at ako naman ay bumeso.

“Magandang gabi po.”

“You must be, Spica?” Nahihiya akong tumango. Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ng nanay ni Luthor. I looked at Luthor but he only smiled. Seriously? Pamilya ba sila ng mahihilig yumakap?

“So you were the girl Luthor was talking about. Ang ganda mo!” Lalo akong nahiya sa papuring ibinigay saakin ng nanay ni Luthor. She said I am beautiful where in fact she is more beautiful than I am!

Iginaya kami ni Tita Leana, she told me to call her tita, sa kusina kung saan naroon si Tito Logan, tatay ni Luthor. I was shocked to know na silang dalawa lang with the cook ang nagluluto ng pagkain. Ibinigay rin ni Luthor ang dala kong pagkain sa nanay niya. Nahiya pa ako pero agad ding nawala dahil nalaman kong paborito pala iyon ni Tita Leana.

Luthor’s parents were so kind. Halatang mana si Luthor sakanila. Lily, Luthor’s sister was asleep on her room. Tita Leana asked us to check on Lily dahil matagal pa naman daw ang niluluto nila. iginaya ako ni Luthor paakyat sa second floor. Nandoon daw ang mga kuwarto nila.

Habang naglalakad ay napapatigil ako para makita ang mga certificates at pictures na nakasabit sa ding-ding nila. Marami iyon at halos lahat ng iyon ay sa mga magulang niya. Napatingil ako sa harap ng mga naka-display na trophy at tinignan iyon isa-isa.

“Outstanding surgeon of the year? Kay Tito Logan ba ‘to?” kinuha ko ang isang trophy para ipakita ‘yon kay Luthor. He nodded.

“Yeah, he won that last year. My dad is a neurosurgeon.” Napaawang ang bibig ko at napatingin kay Luthor. He laughed at my reaction. Pero ako ay pino-process pa rin ang nalaman. Logan de Leon is a neurosurgeon? Now that’s news!

“How about Tita Leana?” I asked. Ibinalik ko ang trophy sa dati nitong kinalalagyan.

“She’s a lung specialist, pediatric.” Napatango-tango ako. nakakamangha ang achievements ng parents niya. I looked at Luthor. I can already imagine him going up on a stage to receive an award of outstanding doctor of the year. Sana lang kapag dumating ‘yong time na ‘yon, kasama ko pa rin siya.

“Wow.”

“Yeah, wow. They actually met on med school and fell in love with each other.” Kwento niya pa. Bumalik ang isip ko sa mga tanong ko sa sarili ko noong nasa biyahe kami. A question suddenly pooped up on my mind.

“Ikaw, wala ka bang nakilala sa med school na… you know.” I asked. Nag-iwas ako ng tingin. I can’t even utter the right word. Sa haba ng pagkakakilala naming sa isa’t isa, I’ve never seen him dated girls or even talk to other girls. Nakakapagtaka. I didn’t really pay attention on his dating life until now.

“I’ve met many people. In college and in med-school,” tumingala ako sakaniya, only to see him looking at me too. “But I guess I’ll never find what my dad found on med-school. Med school girls aren’t for me.” He simply said. Parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon.

It just means that he doesn’t have someone on med school, right? Hindi ko alam pero parang sumaya ako sa kaalamang iyon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa kuwarto ni Lily. She was still asleep kaya hindi na muna naming siya ginising. We sat on the couch beside Lily’s bed.

“Ikaw ba, bakit wala ka pang boyfriend?” Luthor asked. I fought the urge to look at him. Nakatingin lang ako sa harap, avoiding his gaze.

“I told you before, right?”

“Right, you said you don’t believe in romantic love.” He chuckled after saying that. Hindi parin ako umimik. Naalala ko ‘yong sinabi saakin ni Fita dati. Na kailangan ko raw kalimutan saglit ang paniniwala ko na hindi totoo ang romantic love kapag dumating ang panahon na nagkagusto ako sa isang tao.

I didn’t mind her words before. Pero ngayon, parang tinamaan ako ng mga salita ni Fita. I strongly believe that romantic love doesn’t exist. Na lahat ng nararamdaman mo sa isang tao, lilipas din. Pero ngayon na nakaupo ako sa tabi ng lalaking gusto ko, parang gutso kong kalimutan ang mga paniniwala ko noon.

Parang gusto kong baliwalain ang posibilidad na baka lumipas lang rin ang nararamdaman kong ‘to para kay Luthor. Na baka naguguluhan lang ako dahil sa atensyon na ibinibigay niya saakin. Gusto kong baliwalain ang lahat ng pagdududa ko at patuloy na lang na gustuhin si Luthor. But… is it worth it if he can’t like me back?

Bumalik ako sa realidad nang maramdaman kong ipinatong ni Luthor ang ulo niya sa balikat ko at sumiksik siya saakin.

“I’ll rest for a while, okay? Hindi pa naman gising si Lily.” I just nodded as an answer. Hinayaan kong magpahinga siya sa tabi ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. I can smell his perfume and it made my breathing hitched.

How can I unlike you if you’re being like this, Luthor? Now I’m sitting beside the man I like. Right, after twenty years, I actually admitted that I liked someone. And… I don’t think I can ever like a after him.








War in KatipunanWhere stories live. Discover now