Chapter 29 "Perfection"

Start from the beginning
                                    

Nakita ko nanaman ang buwan palagi siyang saksi sa magandang moment namin ni Kean. Kahit ang buwan ay parang nakikisaya sa damdaming aming pinagsasaluhan.

Kung bakit ako masyadong sigurado sa nararamdaman naming dal'wa ni Kean ay hindi ko alam basta ang mahalaga. Nandito siya kasama ko sabi nga nila 'action speaks louder than voice' at sa tingin ko gano'n si Kean, 'di nagsasalita pero ipinaparamdam saiyo.

"Can I hold your hand?" Nakangiti niyang sabi.

Lumaki ang ngiti sa labi ko at kinilig nang todo.

"I guess it's a yes? Haha" kinuha niya ang kamay ko at isinalikop sa kamay niya. "Can we stay here, forever?" Nakangisi niyang sabi.

"Haha baliw ka!" Hinampas ko siya sa braso.

Kinikilig talaga ako!

"You know what? Ang sakit kaya ng hampas mo" nakangiti niya pa ring sabi na hinimas-himas pa ang braso niya. "Lagi mo kong hinahampas baka nakakalimutan mo kung ga'no kalakas ang kamay mo?"

"Hihi" iyon lang ang nasabi ko at nag-peace sign sa kaniya.

"Kung makipagsuntukan ka kala mo action star ka! Ginulantang mo ang mundo ko lalo na ang puso ko hahaha" Tumawa siya nang pagkalakas-lakas. Ang sarap niyang tingnan. Labas ang mapuputi niyang ngipin at ang perpektong ngiti niya.

Ilang ulit ko pa bang sasabihin na perpekto ang gabing ito?

'Yon lang ang nag-iisang deskripsyon.

"Ginulantang? Masyadong malalim haha" sarkastiko kong sabi.

"Bakit nga pala marunong kang makipaglaban?" Nagtatakang tanong ni Kean saka ibinaba ang tingin sa kamay naming magkahawak at nilaro-laro iyon.

"Dahil tinuruan ako ni daddy" ngumiti ako sa kaniya. Hinawakan ni Kean ang pisngi ko at ihinilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Bakit ka niya tinuruan?" Sinabi niya iyon ng nakababa ang tingin sa akin at inamoy ang buhok ko. "Ang bango!" Nakangiti niyang sabi.

"Laging sinasabi ni dad na kailangang maging malakas kaming magkakapatid dahil hindi daw namin alam kung kailan darating ang delubyo" ngumiti ako habang inaalala ang madalas sabihin ni dad. "Una, 'di ko siya maintindihan pero no'ng magkaisip ako ay naintindihan ko na rin na gusto niyang ipagtanggol namin ang bawat isang miyembro ng pamilya"

"Ang astig ng dad mo. Sana ganyan din daddy ko" gumuhit ang lungkot sa mukha ni Kean, bumuntong hininga at tumingin sa kawalan.

"Bakit ano bang ginagawa ng daddy mo?"

"Strikto siya, lahat bawal kaya nga nagagawa ko ang bintana gaming hahaha" napatawa din ako sa sinabi niya. "Lagi akong tumatakas tuwing gabi, nakikipagbasag-ulo do'n sa riot kaya natuto akong makipaglaban"

"Sila Rev at Flair, bakit marunong din?"

"Si Rev ay dating barumbado, si Flair naman ay tinuruan ng mama niya no'ng bata pa, 'yon nga lang at namatay na ito pero ipinagpatuloy sa eskwelahan ng martial arts, tapos lagi siyang nagliligtas ng kung sinu-sino kaya na-practice siya ng husto sa pakikipagsuntukan. Idol na idol ni Flair ang mom niya kaya kahit ikamatay niya tutulong siya"

"Parehas pala kami" napangiti ako. May pagkakapareha kami ng layunin ni Flair.

"Kean?" Tumayo ako. "Bili tayo ng alak sa 7/11" inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.

"NO!" Awtomatikong napatayo din si Kean. "I mean, 'di ka naman marunong uminom baka--ano" pinagpapawisang sabi niya at luminga-linga pa.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now