"Ang galing mo!!!''

"GO LSAAAA!"

"YOU'RE SO HOT"

Natapos ang game at halata naman kung sino panalo.

'LEONDALE STATE ACADEMY WINS OVER DIVINA GRACIA NATIONAL HIGHSCHOOL'

Hindi lang dahil kay Khalex kung bakit kami nanalo,the team work they show was the main reason why they won.

Sabi nila ay may mini celebration sila pero nagrefuse sila Khalex at Kei dahil ipapahinga ni Kei ang paa niya at isa pa maggagabi na baka mapahamak pa kami pag-uwi namin at isa pa nandito si daddy.Malilintikan kaming tatlo.

Nalaman ko na legal age na sila Sean at Evan katulad ni Everly.Hindi sinasabi sakin ni Everly yung reason kung bakit 19 na siya at nasa highschool pa siya,it was confidential and i understand.

Si Sephora lang talaga ang bata samin she's just 16.

"Doon muna kayo sa bahay please"pakiusap ni Kei,tumingin ako kay Khalex na tahimik na nagcecellphone,kasalukuyan kaming nakasakay sa grab."Please?"

Inalis ko yung leather jacket ni Khalex at nagdekwatro habang inaabangan ang sagot ni Khalex.

"Fine"

Pagkauwi sa bahay ay kumpleto silang pamilya,nag-appologize sila mommy dahil di sila nakasunod sa game at the same time nagsama sama sila para mag-usap usap at i-congrats si Kei.

Samantalang ako ay pumunta sa kwarto ko at padapang binagsak ang katawan ko.

'Nakakastress naman 'tong araw na 'toh'

Pinikit ko lang saglit ang mata ko at hindi ko na namalayang nakatulog na ko dala ng pagod,todo cheer ako simula hanggang matapos yung game at isa pa nakakastress yung mga naganap ngayon.

Nagising ako at napansin kong maayos na ang higa ko at nakapang tulog na ko.Siguro ay pumunta dito si Mommy Lexi at binihisan ako,doon ako nakaramdam ng gutom kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto.

Nakakabinging katahimikan ang bumungad sakin ganun din ang madilim na pasilyo,binuksan ko yung ilaw atsaka dumaretso sa hagdan para magtungo sa kusina.

Nakita si daddy na kaharap ang laptop niya at may mga papel na nagkalat sa tabi niya.

Agad niyang inangat ang paningin sakin at tipid na ngumiti kaya gumanti din ako ng ngiti at lumapit sa ref.

"Gusto mo ipagluto kita?"

"Ako nalang po ,"

Kumuha ako ng itlog dahil ayun lang ang pinakamadaling mailuluto ko dahil nagugutom na din ako.

Nagprito ako ng itlog at habang hinihintay iyong maluto ay naramdaman  kong nakatitig si daddy kaya humarap ako sakaniya at ngumiti.

Sinenyasan niya akong lumapit sakaniya kaya sumunod ako at pinatay muna yung apoy,inimuwestra niya ang kamay niya at pinaupo ako sa tabi niya.

"Kamusta kayo ni Khalex?"agad na tanong niya,ngumiti ako ng malapad at inusod ang upuan palapit sakaniya.Mahigpit na niyakap ko siya at dinantay ang ulo ko sa dibdib niya.

"Okay na po kami"

"Good to see you happy"aniya at niyakap din ako sabay halik sa ulo ko.

"Namiss po talaga kita Daddy Kaizer"malalim akong bumuntong hininga at mas hinigpitan ang yakap sakaniya na parang ayoko ng bumitaw sakaniya.

Hindi siya sumagot at naramdaman ko nalang ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ko.Napatingin ako sa laptop niya at nakita ko yung picture ni mommy,Tito Xavier,Tito Klyde at yung lapida nila Mama Allison at Tito Clark.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon