IKA-22

10 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

22, Selfish.

Nasa harapan ko ngayon ang ilang uri ng kubyertos. Spoon and fork lang ang gamay ko dito. Pero ang cute lang tingnan noong mga taong marunong gumamit ng chopsticks tulad nitong si Simon.

He lift his head on me and then smile.

"There's spoon and fork there, don't worry." malungkot akong tumango. Ibinagsak ko ang tingin sa chopsticks. Pero gusto kong matuto!

"What?" nginingisihan niya ako. Palagay ko'y nagpipigil lamang ng tawa. Discrimination! Judger.

Sinubukan kong gumamit ng chopsticks. Pinagmasdan ko sa kung paano niya hawakaan iyon at kung paano iyon ginagamit ng mga tao sa paligid namin. Paano silang nakakakain ng rice gamit ang stick na ito?! Tininingnan ko ito kung may supporter iyon para hindi mahulog ang mga pagkain.

"Anong mali sa chopsticks mo?" Tss. Iyon na nga! Parang may mali sa chopsticks ko!

"Palit tayo, gusto mo?" pag-aalok niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nag-swap nga kami. Sinubukan kong kumuha ng piraso ng karne pero bawat angat ko ay nahuhulog iyon. Ginamitan ko pa iyon ng dalawang kamay pero wari ko'y baka mapatalsik ko pa. Bwisit naman nga talaga. Namamawis na ako.

"What are you doing?" tanong niya noong tinuhog kong parang BBQ ang meat sa plato ko.

"Wala kang paki."

Kaya ko itong matutunan ng wala ang tulong niya. Kung kailangan ko ng instructor para sa pag-aaral nito ay maghahanap ako.

"Paano ka natutong mag-chopsticks? Intsik ka ba?" ngumiti lang siya umiling-iling.

"Hindi ako Chinese and I learned it myself," Narinig ko na iyan! 'I practice myself', 'I learned it myself' pero ang totoo naman ay may katulong siyang babae sa pagpa-practice niya! Tapos dadalihan niya ko ng 'kinda' na gender. Ano siya joke?

"With?" kunwari ay walang paki kong tanong. Sinusubukan ko pa rin na matuto ng mag-isa.

"What do you mean, 'with'? Ako lang mag-isa," Mag-isa ka, nye nye. Napaka sinungaling talaga.

"Wala bang instructor dito na magtuturo sa'kin mag-chopsticks? Gusto ko lalaki. Yung mas magaling sa'yo," idinuro ko siya at umaktong minamaliit siya. He was amused. Offensive na iyon ah? Bakit hindi man lang siya tinablan? Hmp. He was that "amused" that his mouth turns in small letter 'o'. Binawi rin naman niya agad iyon ng pagtawa. Ibinaba niya ang chopsticks at iniangat niya ang dalawang siko sa table.

He give me that look as if saying, "Let's talk about this."

So I give him an "Of course we are talking about this!" look, too.

"Anong ibig mong sabihing mas magaling sa akin? Saang parte? Saan banda? Saang larangan?" inirapan ko siya. Sa pagcho-chopsticks! Saan pa ga? Duh.

"Sa lahat," tumango siya at pakunwaring tumikhim.

"Sa lahat," pag-uulit niya pa.

"Sigurado kang sa lahat?" minulagaan ko siya. Sa lahat talaga! Bakit ba paulit-ulit ang kulugong ito?

"Sa lahat nga!"

He straightened his back on his chair. Eyes darted on me. Ibinagsak ko tuloy ang mata sa soup at sa mga sahog niyon. Problema niya? Kinagat ko ang labi at nanahimik na lang.

"Well good luck for that, huh?" pinag-angatan ko siya ng tingin. Good luck for that, huh? I mimicked his voice in crazy way sa isip ko. Ibinalik ko ang atensyon sa pag-aaral. Noong mabigo at mapagod ako ay ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain. Psh.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon