IKA-14

8 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

14, Should've.

Tumigil nanaman kami sa isang pastry shop sa kagustuhan ni Simon. Ang sabi niya, hindi daw siya kumain ng tanghalian para dito. Tumanggi din siya sa pa-drive thru dahil uta na daw siya sa fast foods.

Imposible.

Wala siyang kabubusugan. Kailan siya na-uta kapag lamon ang pinag-uusapan?

"May ipabibili kayo?" nagkatinginan lang kami ni Cinco. Umiling siya kaya umiling din ako kahit totoo pa ay gusto ko na rin siyang sundan doon.

"May pagkain ako para sa'min ni Demian," Sa akin!? Ipinagdala niya ako ng pagkain? Ang sabi ni Simon ay tutulungan niya ako kay Cinco. Mukhang.. mukhang tinutupad nga nito ang sabi niya. Nilingon ko si Simon na tumango-tango lang. I smiled widely, another way to thank him.

After that, he left and shut the doors close.

Ano naman kaya ang pagkain na mayroon si Cinco para sa amin? May tiwala naman ako sa kaniya eh. Hindi niya ako lalasunin.

"That is green foods. Better than any sweet and fatty foods. Healthy living is the key to a long life," paliwanag nito habang bagsak ang tingin ko sa pagkaing hawak.

Potato salad sandwich is all I have. Mas madami pa ang palaman nito sa gitna. Mas malaki pa sa tinapay mismo.

Another grass eating episodes.

"And here," iniabot niya sa akin ang isang water bottle. "Hindi mo yata nagustuhan iyong spinach juice ko last time. Kaya ito. This carbonated water is yours. We can't have soft drinks." tinanggap ko iyon sa eksaktong pagpasok ni Simon. Bitbit ang mga pagkaing gusto niya.

Na gusto ko rin!

"They don't have cokes inside, tsk." bungad niya. Agad niyang ibinagsak sa pagkain ko ang tingin, brows slightly frowning. Hanggang mapunta sa nagpipigil na tawa. I hate him.

Dahan-dahan niyang inalis sa pagkakabalot iyong Swiss roll niya. Tumitingin-tingin pa sa akin habang kumakagat doon sa pagkain niya. I hate him, times two. For eating what he like.

"What are you doing?" tanong ni Cinco sa kaniya, napansin yata ang kalokohan niya.

"Can't you eat properly?" tsk. Mabuti nga sa kaniya. "At h'wag mong ikalat sa sasakyan." nagpigil ako ng tawa. Balahura talaga siya kahit kailan. Paanong nakakakain siya ng ganito kakalat? Pfft.

"I c-can eat in which and whatever way I want! Palagi ka na lang nagliligalig. Kaya ka walang lovelife eh!" natigilan ako noong isigaw niya iyon kay Cinco. mukhang natamaan ito. Ano naman ang masama doon? Malay mo.. malay mo may hinihintay. Malay mo ako! char.

"A-at ikaw?!" tanong pabalik nito sa kaniya. Doon ay literal akong natawa. I doubt it. He doesn't have. Walang makapagti-tiyaga sa pagka bwisit diyan eh.

"Oops." nagpipigil tawa kong komento.

"M-may lovelife ako h-ha!" sabay kaming natawa ni Cinco. Lovelife? Saan? Parang wala naman akong.. nakikita? O baka naman nag-iimagine lang ito? High ba siya?

"Hindi mo lang alam. tsk." parang bata siyang yumakap sa sarili habang naghihimutok.

"Baka hindi niya rin.. alam?" we both chuckled. Nilingon niya ako ng masamang tingin at pinagtaasan ko siya ng kilay. Wala akong sinasabi, ah.

"Coke lang ang problema ko, Cinco! H'wag mong ipunta sa lovelife ko at mas tigang ka sa ating dalawa!" binalingan siya ni Cinco at pinandilatan. Gusto ko silang pagtawanan sa pag-aasta nilang bata.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ