IKA-12

8 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

12, Happy.

Tumiyad-tiyad ako para siguraduhing nasa paligid lamang si Cinco, umaasang kasama ni Simon.

"Anong ginagawa mo?" inilipat ko ang mata sa kaniya. Pakiwari ko'y may alam din siya sa mga babae ni Cinco. Maaaring kasabwat pa siya dito!

"Nasaan si Cinco?" nagtatakang tanong ko. Nilingon niya din ang lugar na pinaghihintayan ko.

"Anong Cinco ka diyan? Ako ang kasama mo tapos si Cinco ang hinahanap mo! Wala ka bang puso?" inirapan ko siya. Wala naman akong paki sa mga drama niya. May kailangan akong linawin, umi-epal nanaman siya.

He huffs but stays silent. He also continued eating.

Bumalik ako sa pagkaka-upo. "Akala ko ga ay tutulungan mo 'ko kay Cinco?" nabulunan ng malaking piraso ng buffalo wings ang leche at inabot ang lemonade ko! Kahit na alam kong kailangan niya iyon ay binawi at ipinaglaban ko iyon sa kaniya. Iniabot ko sa kaniya ang soft drinks niya.

"Tsh, akala mo nagugutuman eh?" sinamaan niya ako ng tingin noong mahimasmasan siya. Pinunas pa nito ang nangingilid na luha.

"Narinig mo ga ang sabi ko kanina? Ang sabi ko--" hindi ko iyon itinuloy noong inangat niya ang kamay sa akin.

"He's busy nga." pero siya ay hindi? Akala ko partners sila?

"At ikaw? Bakit ang dami mong oras para kumain kasama ko? Hindi mo siya tinutulungan ang sabihin mo. Tsh." Pinagtaasan niya ako ng kilay pero wala naman siyang itinanggi doon. Parang inamin niya na rin na hinahayaan niyang mag-isa si Cinco!

"We have an equal division of work, excuse me?" Equal?! Paanong equal eh mas madalas siya dito sa akin! Kahit hindi ko siya kailangan, andito siya!

Kahit hindi siya ang hinahanap ng mata ko, siya pa rin itong nakikita ko! Nasaan ang sinasabing trabaho ng kulugong ito? Ano ang sinasabi niyang trabaho? Ako? tsk.

"I doubt it. Mas madalas tayong magkasama. Mas madalas pa nga yata iyong nandidito tayo sa mga kainan o di kaya ay sa shop namin eh! Alin naman doon ang trabaho mo?" he chuckled as if not minding anything I say anymore. Iyon ang pinaka ayaw ko sa kaniya!

"At saka akala ko ba tutulong din ako? Eh parang wala naman akong ginagawa? Display lang ba ko dito ah?" Inilapit niya ang upuan palapit sa akin. Ganoon din ang mukha niya. Ngayong magkatapat kami, naging mas malapit pa lalo ang distansiya naming dalawa. Hindi ako kumibo.

"Gusto mo bang may gawin tayo?" ang boses niya'y parang inaakit akong makipagsabayan sa kalokohan niya.

Unti-unting sumilay ang ngisi niya sa gilid ng mga labi niya.

"I think it's a yes?" tumayo siya't umikot para kunin ang bag ko at ilang kagamitan. Nanatili lang akong nakaupo at pinagtatakhan siya. Wala akong narinig na pagsangayon sa sarili ko kaya't nag gagawa-gawaan siya.

"Hindi pa ko tapos kumain!" itinuro ko ko iyong inorder kong TapSi!

"Bakit? Magpapaiwan ka dine?" he wiggled his brows on me.

"Oo." sagot ko.

"Kailan matatapos ang mga puno na yan? Pakiramdam ko walang katapusan! Ang sipag naman ng nagtanim niyan!" puna ko sa mga punong dinadaanana namin. Lumingon man ako sa kaliwa o sa kanan, wala iyong pinagbago. Hindi ko alam kung ilang taon nilang ginugol ang sarili sa pagtatanim at kumg ilang araw ang gugugulin para anihin ang lahat ng ito!

"Ano 'yan cherry?" iniisip ko pa rin sa loob-loob ko kung anong klaseng prutas ba ito. Ganito ba mamunga ang cherries? May puno ba ang cherries? May tanim bang cherry sa Pinas?

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Where stories live. Discover now