BARAKO GIRLS SERIES [#1]

64 1 3
                                    

◆◆◇◆◆

Prelude.

"Ihatid niyo na ang lahat ng iyan kay Mang Latido. Bakit ba ang tatamlay ng kilos niyo?"

Itinago ko ang ngisi sa mukha habang iniaayos sa ulo ang salukot o kung ano man ang tawag dito. Kating-kati na nga akong tanggalin iyon actually, pero not now. I still need it.

For prop.

"Kailangan pa niya iyang I-check mamaya, kaya kapag hindi iyan nakarating ng mas maaga sa pagiging putragis na kakupadan niyo, sisante kayong lahat!" iyong mga ugat niya sa sintido ay galit na galit din. Kaunting sigaw pa niya baka mapigtas na iyon. "Iyong mga binhi! Ingatan niyo!"

".. at ikaw na nasa dulo!" nilingon ko ang itinuturo niyang dulo.

I have this feeling kasi kung sino itong dulo na sinasabi niya. At kapag tama ako ng hinala, tatamaan rin siya sa akin mamaya.

"Tinitingnan mo ako ng masama!" ipinilig ko ang ulo at hinawakan ang tainga. Wala na siyang ginawa kundi ang sumigaw. Nasusunugan ka ba, ha? Nakakaimbyerna!

He doesn't even have the highest position here. Pero ang tataas ng nota niya.

Right arm lamang siya noong totoong sadya namin rito. He's not that important. And if I know, kung hindi na siya kailangan, sisisantehin na lang siya kaya welcome putik na ulit siya.

"It's.. it's the sun, sir!" napasapo ako ng mukha. Fck him.

"Ano!?"

"I m-mean.. Ang.. ang ibig ko pong sabihin ay ang a-araw. Nasisilaw lang po ako Sir! hehe." hilaw siyang tumawa.

He's losing his character. Isa pang pagkakamali niya, trabaho na ang iwawala ko sa kaniya. Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata. We make facial expressions only the two of us can understand.

"At ikaw!" and suddenly, their attention is on me.

"Hindi mo ba alam na ang laki na ng layo mo sa pila mo? Pampagulo ka lang! Umayos ka kung hindi ay sisisantehin din kita!" Sisisantehin din kita, pag-uulit ko sa isip sa nakakalokong tono.

I used all my freaking strength to push this freaking cart but it's freaking me out! Bakit ayaw nitong freaking matulak!?

No, of course kaya ko ito. I only needed a little time to figure it out and..

"Anong nangyayari dito Karlos at parang galit na galit ka nanaman sa mga tauhan namin?" A Regal's voice echoed inside my ear. Gusto kong pangilabutan. Mabilis kong isinaayos muli ang salakot.

"Pinagsasabihan ko lang po itong mga baguhan, Sir. Hindi naman po importante-- Anak ng puta!"

I freak out.

Tumilapon lahat ang bungang kape na laman ng cart ko. I was just trying to push it by myself! Hindi ko lang kinaya. Kasalanan ko ba iyon? Sa tingin ko ay hindi!

Naramdaman ko ang paghila sa akin noong lalaki gamit ang magaspang niyang kamay.

"Anong ginawa mo?!" Inalis niya ako sa pwesto. Nanatiling pinapanood ang pag gulong ng mga iyon sa paanan ko. Did I just messed everything up? Fck it.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin