IKA-17

9 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

17, Dream.

Ilang oras ng paghihintay sa panibagong customer pagka-alis ni Lolang suki namin, ay wala naman nang dumating na iba pa.

Bakasyon ngayon at siguro'y para makatipid, hindi na nagpapalabada ang mga tao. Mas matao ang shop kapag may pasok. Iyong mga estudyanteng umuupa doon sa malapit na dorm, dito lahat ibinabagsak ang palabada nilang mga uniform. Samantala, ang University na pinapasukan ko ay halos kalapit lamang ng shop. Tuwing pagkagaling sa school, dito na ang diretso ko.

Saan pa ba dapat?

Akmang ila-lock ko na sana ang sliding door noong may mamang bumaba sa trike. Dinig ko pa ang ilang pag-uusap nila ng driver.

"Sige, salamat!" maligayang paalam nito.

May dala itong isang malaking eco bag. Na sa tanyiya ko ay palalabhan. Argh. Pero ini-lock ko na ang pinto.

"Sarado na?" parang dismayadong saad nito.

Magalang akong tumango. Ganoon naman ang ikinalungkot nito. Ibinagsak niya ang tingin sa hawak hawak. Mukhang mabigat pa iyon.

"Sayang naman itong pagsita ko ng tricycle. Ang mahal pa naman ng sita ngayon! Sitenta!" Nilingon ko ito ng may pagtataka. Pinariringgan niya ba ako? At saka anong sitenta?

"Hindi ba pwedeng ipahabol ko ito?" talagang humingi pa siya ng palugit.

"Kasasara ko lang po talaga Sir, eh. Napatay ko na po pati electricity. Wala na pong magtatrabaho niyan doon," paliwanag ko na lang.

"Kahit iwan ko na lang?" umiling ako ulit.

"Hmp! Di na bale na nga! Ano ga naman iyan! Para ipapaiwan ko lang. Hindi ko naman na ipapalabada," nilagpasan niya ako habang pinagiirap irapan.

Himdi ko na ito dapat papansinin pero mukhang hirap na hirap ito sa bitbit. Hawak niya pa ang balakang. Hays.

"Tulungan ko na po kayo," pinagtakhan niya ako pero sa huli ay hinayaan din.

Inihatid ko iyon sa tapat ng shop namin. Mabigat na pala talaga ito! Hindi siya nagpapanggap lang. Tsk. Kinuha ko ang susi sa bulsa at binuksan ulit ang shop. Ipinatong ko muna iyon sa lamesa. Kumuha ako ng paper tape at marker.

"Bukas ko pa po ito magagawa, Lo, ha? Iwan muna po natin dito." ngumiti ito at magiliw na tumango-tango. Nahuli ko pa siyang nagsi-selfie sa tapat ng shop.

Ibang klase na talaga pati matatanda ngayon.

I took a glance on my phone. Magsi-six thirty na. Kailangan ko na rin umuwi.

"Uh, Lo, ano po bang pangalan ang ilalagay ko dito?" natagalan pa bago siya sumagot. Busy pa din siya sa sariling phone. Iniabot niya pa iyon sa akin.

"Paki kunan mo nga ako at ipapakita ko lang sa apo ko, Miss." pinagtaasan ko ito ng kilay. Inuutusan niya ba ako? Kasama ba ito sa trabaho ko? Ang kunan siya ng picture!? Sa tapat ng shop namin.

"Hija, pakibilis." hmp! Talagang pinagmamadali pa ako.

"Oho."

Kinuha ko ang phone nito at kinunan ko naman ito. Ilang shots iyon dahil palagi niyang pinapaulit sa'kin kapag sa tingin niya ay masama o malabo ang kuha.

"Sadya ho na ganoon. Madilim kasi," pinagtaasan niya ako ng kilay.

"May flash diyan," utos niya sa akin bago muling ngumiti at ginawa ang sarili niyang posting. Hay ewan ko ba.

"Bakit ako nakapikit dito!? Ayoko nito mukha akong may sakit! At ito.. bakit ganiyan iyan? Ang p-pangit. Ayoko niyan. Ulitin natin, bilis. Mas magaling pa iyong apo ko sa'yo kung kumuha ng litrato eh!" kinagat ko ang sariling dila.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Where stories live. Discover now