IKA-20

12 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

20, Beautiful.

"Kamusta ang business ng Auntie mo?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Akala ko ba peace and harmony? Peace niya mukha niya.

"Ice lang."

Umakto akong busy. Mabuti na lang at madami talaga akong gawain dito. Mga malalaking comforter na tutupiin at iba pa. Tumango naman siya. Tsk, anong followed up question naman ang itatanong niya kung wala akong kabuhay-buhay sumagot?

Hindi ko na iyon problema.

"Nagugutom ka na ba?" My eyes widened. Will he bribe me foods? Hindi iyan gagana. Wala siyang kwenta magtanong.

"Kumusta na si Cinco?"

Inosente kong tanong. Ganoon dapat ang tamang tanungan. Hindi ko naman intensyong itanong iyon sa kaniya ngayon, though nag-aalala din naman ako dito. Pero sa isip ko ay kailangan ko rin siyang inisin.

Saglit ko siyang sinulyapan. He's trying to calm himself. Pfft.

Bakit? We're friends!

"Hindi ko pa siya nakikita ulit. Bakit ikaw lang ang nandito? Hindi mo ba siya sinasama?" pagpapatuloy ko.

"Isama mo siya, minsan." pagpapatuloy ko pa.

"H-he's doing good," sa sobrang tagal niya kung sumagot ay gusto kong hilahin palabas sa dila niya kung ano man ang sasabihin niya.

"He's just busy," tumango siya. Shifting his position on his seat quiet a lot.

"Busy?" busy ito samantalang siya, marami nanamang time.

"Saan? Sa babae? Sa trabaho, sa pamilya, saan?" I paused a little. "Pakisabi, 'wag siyang masyadong magpagod ah. Pakisabi," he stays silent, brows slightly frowning.

"I will." pagdidiin niya.

"Thanks!" tinalikuran ko siya at muling kumuha ng tutupiin. Napalingon lang ako noong tumikhim siya at muling magsalita.

"May bagong bukas na milk tea jan sa malapit lang. You want to.. try?" I smiled. Kumpirmado. Sinusuhulan niya ako.

"Hindi na. Salamat na lang. Busy pa din ako," Inangat ko ang tupiin para makita niya. Tumayo siya agad.

"I can help!" dumalo siya ng mabilis at iniwas ko iyon. Ang tendency, naging mas malapit ang katawan namin. Sa sobrang lapit ay tinitingala ko nanaman siya at halos maduling ako.

Ginagago yata ko ng bwisit na 'to?

I caught him looking to my lips. Kinagat ko iyon para itago sa kaniya. Tsk, anong binabalak nanaman niya? Ganoon din ang ginawa ko. Tiningnan ko rin ang labi niya. The cuts I made aren't visible. Gusto niya yatang madalwahan? Char.

Ipinagitna ko iyong mga tupiin at isinaksak iyon sa dibdib niya. Nagulat siya at sinalo naman iyon.

Bumalik ako para magsalang ng mga panibagong damit sa washing machine. Nakakasunok ang amoy ng powder pero nakakasanay din naman. Matapang na iyong liquid detergents pero mas matapang pa rin ang pabango niya.

Iyon ang nangingibabaw sa lahat. Nakatalikod ako sa kaniya at nakakaramdam ako ng pagka-conscious.

Sana naman 'wag niya kong manyakin ng patalikod ha. tsk.

"Mayroon bang mga babae si Cinco ngayon? May dini-date ba siya?" I am really curious. Kung mayroon edi congrats. Kapag wala, congrats pa din.

"Hindi ko alam. Wala yata," habang nakatalikod ay tumatango ako. "Ako din, wala." napalingon ako sa kaniya. Pinagtaasan siya ng kilay. Wala akong natatandaang tinanong ko rin siya. Share niya lang?

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Where stories live. Discover now