IKA-18

7 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

18, Hopes.

"Totoo nga kasi ang sinasabi ko, Susana, Tala, Timi, Auntie!" si Auntie na naghuhugas ng plato ay idinamay ko na din.

Bakit ba kasi ayaw nila akong paniwalaan? Nandito talaga si Simon kagabi. Nag-usap kaming dalawa eh. Alam ko? Hindi ako nag-iimagine o naggagawa-gawaan lang.

"Ate, ang imposible ga. Naabutan ka nga namin diyan sa bakuran. Sa may bench, doon ka na nakatulog. Sa totoo lang," nagpapadyak ako sa inis. Ano namang connect nun? Talagang sa bench niya ako makikita dahil doon ko naman rin nakita ang kulugong 'yun!

"Alam kong hindi ako nananaginip o nag-iilusyon lang," depensa ko.

"Demian, kasasabi mo lang kanina na dinalaw ka ni Lord." kaniya-kaniya sila sa pagpipigil ng tawa. "Paano kami ngayon maniniwala niyan?"

Dinalaw ako ni Lord? Sinabi ko ba 'yun? Totoong sinabi ko 'yun? Sinong matino ang magsasabi ng ganoon?! Hindi ako.

"S-sinabi ko 'yun?" everyone nods.

"Kagabi, noong pinapapasok kita sa loob, sumunod ka naman. Sabi mo pa nga, 'weyt lang ho, Auntie, nag-uusap pa kami ni Lord.' Pero hindi ko alam sa'yo kung paanong nandito ka ulit sa labas pag gising ko kaninang umaga."

Ibinagsak ko ang sarili sa upuan. Sumakit yata ng kaunti ang ulo ko sa mga nangyayari.

"Tapos ngayon naman, nakita mo si Simon. Aba'y pagkakatinde ng tama ng alak sa iyo Demian! 'Wag ka ng uulit."

Panaginip lang ba talaga iyon o ano?

"Alam mo, lasing na lasing tayong lahat kagabi. Pati nga itong si Timi, napaamin ko na nagka-boyfriend na. Malandi ka talagang bata ka. Mana ka sa tatay mo," nagprotesta si Timi at pinagtawanan siya ng kapatid ko at ni Tala.

"Ang ibig mo bang sabihin ay sa'yo, ma?" pang-aasar ni Tala.

"Wala ma eh. Malandi tayong lahat sa pamilya natin. Wala tayong mapaghahanapan," humalakhak si Tala sa tabi ko habang umiiling at iwinawagayway ang kamay.

"Kayo lang! 'Wag niyo kong dinadamay," nagpoprotesta ito.

"Baka naman hanggang ngayon ay lasing ka pa din, 'te?" muling pag-oopen up ng kapatid ko. Napansin yata ang pananahimik ko.

Tuloy ay ininom ko iyong kape sa harapan niya. Hindi naman na iyon mainit kaya hindi makapapaso ng dila.

"Mas gising pa ako sa kapeng barako, Susana. Hindi na ko lasing," mataman kong sabi. Naninindigan pa rin ako na hindi iyon panaginip. Masyado iyong realistic sa lahat. At kung hindi nga makatotohanan ang nangyari kagabi, ay hindi iyon panaginip. Bangungot iyon, bangungot.

"Ate.. kanino ka ba talaga patay na patay? Doon sa Cinco o diyan sa Simon na 'yan?" padarag ko siyang tiningnan.

"Wala!" determinado kong saad kung iyon ang gusto niyang marinig.

"Kaibigan ko lang sila pareho! Ang sabi ni Simon, gusto ko daw si Cinco pero.. hindi ko alam!" napasabunot ako sa inis. Gusto ko ba si Cinco?

Hindi ko gusto si Cinco.

"O eh bakit puro iyang Simon ang laman ng panaginip mo ha? Tapos.. tapos iyong mga paintings mo, siya yung kasama mo, kung si Cinco talaga ang gusto mo, bakit hindi si Cinco ang gawin mong subject?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Lahat sila ay naghihintay sa paliwanag ko.

Tsk. Anong sinasabi nilang si Simon ang gusto ko? Paano ko magugustuhan ang kulugo na iyon aber?

"Una sa lahat Susana, inuulit ko, hindi ako nananaginip lang kagabi. Alam kong nag-tresspass ang bwisit na yun dito kagabi, maniwala ka sa'kin." suminghot-singhot ako sa ere.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat