IKA-3

14 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

03, Him.

"Pinagbibintangan mo ba ang nanay ko, huh?"

Pinagsingkitan ko siya ng mata. Wala siyang respeto sa nanay ko! Hindi niya alam ang mga pinagsasabi niya tapos idadawit niya na lang ang nanay namin sa.. sa krimen?

"H-hindi ganoon ang ibig kong.."

"Sa ganun na din 'yon!" paghaharang ko sa kaniya.

Single parent ang nanay namin. Hindi ko alam ang background niya sa pamilya ng mga Regal. Hindi masyadong malayo ang lugar ng Maynila sa probinsiya namin pero ni-minsan hindi ko narinig ang kwento tungkol sa mga bwisit na Regal iyan!

Pinalaki kaming mag-isa ng Inay at hindi na namin nakilala ang aming tatay.

Isang taon lang ang pagitan namin ni Susana. Nagmukha lamang malayo dahil nahuli siya sa pagpasok. Mahirap magpa-aral ng sabay sa estado namin noon.

Pero kahit ganoon ay napalaki naman kami nito ng tama. Sa palagay ko. Hindi niya kami tino-tolerate sa paggawa ng kasamaan. Laloang ang pagnanakaw. Kaya imposibleng isangkot niya ang nanay ko sa ganoon!

"Pinaglagpas ko iyong pagpunta-punta mo dito at pasimpleng pangangalap ng lead dahil.." hinabol ko ang hininga. Akala ko magkakaroon ako ng kaibigan sa pamamagitan niya.

Umiling ako hindi na itinuloy ang pangungusap. "Pero hindi ko na palalampasin iyang pagbibintang mo ha! W-wala kang karapatan!"

Iniligpit ko iyong mga gamit ko sa benches at inagaw iyong iba na hawak niya pa. Salamat na lang sa mga pagtulong niya sa mga homeworks ko sa Science. Kaya ko na ito at hindi ko na kakailanganin ang tulong niya.

Ipinagpabalik-balik ko ang tingin sa kaniya at sa mga paper works ko.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong nito sa akin na ipinagkibit-balikat ko lang.

"Nevermind! Makakaalis ka na. H'wag ka nang magpapakita at baka ipakaladkad kita sa Tanod namin." ipinilig niya ang ulo sa akin na nagtataka.

Hinahamon niya ba ako? H'wag niya kong hinahamon!

"Gabi na!" saad ko, as a matter of fact.

"M-may.. may curfew dito," mahina kong saad.

"I'm sorry kung na-offend ko ang Nanay mo," paghingi niya ng dispensa. "Sobrang hapit na hapit lang kasi talaga kami sa paghahanap ng lead kung saan makikita iyong nawawalang anak ni General."

"Malapit naman nang matapos ito. Oras na mahanap na iyong anak ni.." nag-aalala akong lumingon sa kaniya.

Anong ibig sabihin niyang matatapos na? Teka.. Anong ibig kong sabihin sa tanong na iyon!

".. hindi na tayo ulit magkikita." dahan-dahan akong tumango. Bigla akong hindi napakali. Ipinatong ko ulit sa bench iyong mga libro tapos kinuha ko ulit. Sa pagiging tensyonado ay napatalikod ako sa kaniya. Hindi na kami magkikita? E di magandang balita!

Pota, totoo ga?

"Aba ay mabuti naman kung ganoon!" pagkaharap ko sa kaniya ulit. Nakangiti ako sa kaniya at nangangatal ang sulok ng mga iyon sa sibrang pagka-peke nito.

"Sabihin mo lang sa akin kung ano pa ang maitutulong ko at nang mapadali tayo. Ayoko na rin kasi na makita ka. Agree?" Nginisihan ko siya noong tumango siya.

"Agree." ako na ang nagpatuloy.

"I'm leaving now." tumango ako kahit mabigat sa dibdib.

"I-ingat ka."

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Where stories live. Discover now