IKA-10

9 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

10, Talk.

"Hindi ko nga alam kung para saan ang math sa BS Psych? Kaya nga ito ang kinuha ko, akala ko wala nang solving!"

Hindi ko alam kung bakit naiiling ako sa kapwa ko freshmen at nagti-take ng Pyschology. Kaiba sa kanila, bago ko pa man kunin ang kursong are, inalam ko na agad ang mga subjects. Mga ilang subjects na pupwede ko nang pag-aralan noong bakasyon. Lalu na ang Science. Dahil doon, madalas, sumisemplang ako.

Mabuti na lang ngayong sem, napagtanto kong karamihan ng Science, may touch of Mathematics pa din. Like what I wanted.

Some were quiet disappointed noong malaman na BS Pyschology ang napili kong kurso. Ang mga teachers at mentors ko sa Math quiz bee ay mataas ang ekspektasyon sa kukunin ko pagka-college. At ang ini-expect nilang karera para sa akin ay Engineering. Malaking adbantehiya raw ang alam at galing ko sa Math. Para sa kanila daw, ipinanganak sila para humubog ng future Engineer--tulad ko.

Nagkamali 'ata sila hula sa akin. Wala naman akong pinagsisisihan. Sa ngayon. Pakiwari ko, gusto ko ang ginagawa ko. Iyon naman ang importante sa lahat.

Higit sa lahat, kagustuhan ko rin ang maging Doktor. At ang bagay na iyon ay ako lang ang nakakaalam.

Itinago ko sa inay noon. Ayokong magulat siya na ang mahirap na tulad namin ay nangangarap ng pangarap na mas mahal pa sa buhay ko. Hindi rin lalo sa kapatid ko, na alam kong maipararating niya sa inay namin. Lalong hindi sa mga mentors ko noon dahil nga baka agad akong panghinaan ng loob sa kanila kapag ipinagkumpara nila ang gusto nila sa para sa akin at kung ano talagang gusto ko.

Hindi rin sa mga kaibigan. Dahil hindi naman ako nagkaroon ng ganoon. lul.

Sa kabilang banda, masuwerte akong nagkaroon ako slot pa-scholar ni Mayor. Kung hindi dahil sa slot na 'yon ay hindi ko siguro maisusundo ang pag-aaral ko sa Laude Colleges, isa sa sikat at malaking paaralan sa banda naming ito sa Batangas.

Samantalang ang kapatid ko naman ay sa isang malaki ngunit pampublikong paaralan sa bayan ng Dela Bambini. Malayo sa bayan namin dahil sa Centro iyon at stay in ang mga estudyante sa kanila mula Junior.

"Next sem, magshi-shift na 'ko agad. Magbi-BS Education na ako. Kung ganoon din naman pala." tumango-tango ako.

Hindi ko alam kung dapat ay kunin niya iyon? Pakiwari ko'y tuturuan niya lamang ng maling mindset ang mga estudyante niya. Mas mabuting manatili siya sa BS Psych. Baka sakaling magawan ng paraan iyong baluktot niyang paniniwala sa solving.

"Uuwi ka ng maaga, Demian?" saad ni Vita na nakapagpatigil sa pagliligpit ko ng mga notes.

"Oo," simpleng saad ko na hindi siya nililingon. Mas minadali ko rin ang pag-aayos ng hindi na magtagal ang pag-uusap namin. Hindi ko gustong magtagal pa iyon.

"Bakit nagmamadali ka? Eh.." sa pagtunghay ko, nakita kong sumisilip-silip siya sa bintana.

"Wala pa naman iyong sundo mo?" Sundo? Kailan pa ako nagkaroon ng sundo? Wala akong sundo.

"Kaya ko naman kasing umuwi ng wala siya, Vita. Kung iyon ang gusto mong marinig." Isinara ko ang bag at isinukbit iyon. Paalis na dapat ako kaso hinarang naman niya ako.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon