IKA-8

8 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

08, Mutual.

Simon's ice cream melted in my hand. Kapag hindi pa siya natapos sa c.r ngayon ay wala na siyang aabutan. Patagal ng patagal napag-iisip kong alipin ang gusto nito at hindi kaibigan!

"Sorry natagalan," bigla siyang sumulpot sa likuran ko.

Pinunas niya ang kalat ng ice cream sa kamay ko gamit ang wipes at hinayaan ko lang iyon. May hawak din kasi ako sa kabilang kamay ko.

"He wasn't here?" Kanina ko pa inililinga ang mata at wala naman akong nakikitang Preston dito. Kaunti na lang ang mga tao. Siguro ay isa siya doon sa mga umuwi na. Sayang tuloy!

"Mabuti naman pala kung ganoon," bumaling ako sa kaniya. Kasalanan niya din naman. Patagal siya.

Naglakad ako palapit doon sa bench kung saan nakatigil iyong rental bikes namin. Isang oras pa sana. Naisip naming ipagpahinga na lang iyon.

He will obviously paying cash for the defects na idinulot niya sa bisekleta. Bahala siya.

"Sure ka bang ito lang ang gusto mong kainin? Ice cream?" tumango naman ako. Ilang sandali pa ay tinabihan niya ako. Noong lingunin ko siya doon ko lang nakita at naalala ang mga sugat na tinamo niya. Akala mo talaga ay tinorture siya dahil sa inabot niya.

Inangat ko ang baba niya at hindi ko maiwasang hindi mangiwi dahil hanggang doon ay may gasgas siya.

"Hinay hinaye naman," pananaway niya sa akin. Mabuti na lang at libre lang ang laman noong emergency kit dito. Nagkaroon ako ng pagkakataon na gamutin siya.

At kilalanin pa.

"Partners talaga kayo ni Cinco para sa kasong ito?" bigla kong tanong. Ano naman kaya ang ginagawa ng isang iyon? Malamang ginagawa noon ang lahat para pag-igihin pa ang pagresolba ng kaso. Ganoon siya kadedicated sa bagay na iyon.

"Ipinanganak kami para maging detective at para tuldukan ang kasong ito." Itinigil ko ang pagdampi ng bulak sa mga sugat nito.

"Malapit na." he looks at me intently. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya pero may palagay ako na kaya ganoon iyon ay dahil umaasa siya sa kooperasyon ko.

"N-nakakatulong ga 'ko o nakakapagpabigat lang lalo?" tanong na gusto sana iyong gawing biro.

"Gusto mo talagang malaman ang sagot ko?" sinamaan ko siya ng tingin at idiniin ko ang bulak sa sugat niya. Iyon lang ang pinaka malapit na revenge na alam ko sa ngayon.

"How old is your sister?" kaswal nitong tanong.

"She's turning eighteen, this year. Isang taon lang ang pagitan namin pero dahil hindi siya nakapagsimula ng pag-aaral agad, na-late siya ng isang taon." tumango siya at hinayaan akong magsalita.

"And would you believe it? Ang first memory ko, ay ang unang araw na inilabas siya ng nanay ko. Sa bahay lang inianak si Susana noon. And in her first day of crying, isa ako sa mga unang taong mahigpit na humawak sa mga kamay niya. And we became the best friends of each other. Siya lang ang naging kaibigan ko buong buhay ko."

"Kaya next time, 'wag mo na siya yayamutin gaya noong ginawa mo noong unang beses mo siyang makita. Ipaglalaban ako noon ng patayan. Ganoon din ako sa kaniya. That's what sisters are for." tumingin ako sa malayo habang inaalala ang pinagsamahan naming ng kapatid ko.

"Hoy. Mangako ka."

"I'll try my best." tumango lang ako sa kaniya.

"Teka, ang sabi mo noong inilayo mo ako sa kapatid ko ay ginagawa mo lang ang.. trabaho mo? Anong ibig sabihin nun?" Sinadya long itigil ang paga-unleash ng band aids para lang linawin ang bagay na iyon. Pinagtakhan niya lang ako.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Where stories live. Discover now