IKA-5

14 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

05, Ready.

"P-paano mo nalaman ang number ko?"

Hindi ko inakalang magkakaroon ng ganitong pangyayari. Hindi ko alam kung gising ba ako o natutulog na ako at ngayo'y panaginip lang ito.

"Tsh, nahihinaan ka sa'kin? Si Cinco lang ba ang detective dito?" nilingon ko siya. Paano naman napunta sa usapan si Cinco? Wala naman akong binabanggit na pangalan ah? Nagtanong lang ako.

"Wala naman akong sinabing ganun." gusto kong purihin ang sarili dahil nakalusot ako't hindi nautal!

"Safe ba siyang nakauwi?" pasaring niya akong nilingon.

Oh bakit parang binastos ko siya as a person!? Inaano ko ba siya? May personal na issue ba siya, specifically sa akin?

"Hindi na 'yun importante," Hindi na importante?! Nahihibang na siya.

"P-paanong hindi importante?" inagaw niya ang kamay kong rested in place lang. Hindi ako nakapag-react agad. Pero noong nagkawisyo ay binawi ko iyon agad. I gulped hard. Paramg sisinukin ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kabadong-kabado ako na kasama ko siya.

"Does it hurts?" doon lamang nakapokus ang mata niya at dahil sa ilang ay itinago ko iyon. Nag-angat siya ng tingin.

Anong problema niya?

"Hindi ko 'yun sinasadya. I am being impulsive. Wala ako sa lugar," Kahit na mayroon na siyang paliwanag ay hindi ko pa rin siya maintindihan. Kung bakit kailangan niyang maging ganoon sa akin. Parang gusto akong ipagdamot at ilayo sa iba.

"You can't understand things this time," nahibang ako sa kaniya lalo.

Pareho sila ni Cinco. Kanina ay hindi man lang iyon nagawang ipaliwanag ni Cinco sa akin. Parang para sa kaniya ay iyon ang tamang gawin. Ang sabi pa niya ay trabaho nila iyon?

"Bakit kailangan mo iyong gawin? We just.. met?"

Alam kong sumosobra na ako. Lumalampas na ako sa limitasyon. Hindi ako assuming pero mas mabuti ng linawin ko ang mga bagay na malabo para sa akin.

"K-kapatid ba kita?" biglang lumaki iyong mata niya sa gulat.

"What the.. fck? Anong kapatid!?" napailing ako. Anong malay natin na baka may nawawalang kapatid din pala kami. Baka may anak pa si inay noon tapos nawala sa kaniya. Ngayong malaki na siya, hinanap niya ang inay ko pero kami na lang ang nakita niya.

"Maybe.. m-maybe.." anak ng.. bakit ba kailangan kong mag-english!? "Baka lang katulad ng storya natin iyong mga palabas sa soap operas na magkakapatid tapos matagal na nawalay sa totoo nilang pamilya. Ngayon ay binalikan mo ako para bawiin sa akala ko'y pamilya ko. Pero hindi ako sasama kasi bakit naman ako maniniwala sa'yo eh wala ka namang hawak na DNA result?"

He blinked twice. "DNA w-what?"

"Tapos eh di.. edi magpapa-DNA test tayong dalawa para malaman na natin ang totoo. Kung talagang magkadugo tayo. Tapos aabutin ng isang buwan para lumabas iyong result kasi madami ang humahadlang. Tapos kahit sobrang dami nating pinagdaanan lalabas pa rin ang totoo. Kaya ang ending, mapayapa tayong mabubuhay bilang magkapatid," hinihingal kong pagku-kwento.

"Fck. Are you a writer or what?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ba?" Napasapo siya ng noo.

"I don't want that to happen. Fcking plot twists," ngumiwi ako. Bakit naman hindi? He's a brother material. He's concerned like how a brother should be to her sister. Iyong pagkain ko, inumin at kahit itong lamig. He's the kind of brother na over protective. At ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ipaliwanag ko iyon in english!

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Where stories live. Discover now