IKA-4

15 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

04, Nasty.

"Hindi, busog pa 'ko."

Nagpaplano ang dalawa ng oorderin nila sa drive thru. Humindi si Cinco at itong si Simon lang ang lantak na lantak sa pagkain. Ang sabi niya'y kape na daw ang dumadaloy sa laman at ugat niya dahil sa tatlong tasang kapeng ipinag-alukan sa kaniya kanina.

Maganda daw kasi ang secretary kaya hindi siya tumanggi.

"Baranggay hall ba 'yun o lamay?" siya lang ang pala kwento at maingay sa loob. Nagpapatugtog ng music tapos siya lang iyong kumakanta. Naghi-head bang pa.

"Ayos lang ba sa'yo 'yung playlist?" tanong niya para sa'kin.

Dahil ayokong basagin ang mood niya ay tumango lang naman ako. Ganoon din siya.

"I wanna lay down in a bed of roseees!" nagtama ang mata namin ni Cinco. Umiling lang siya at ngumiti.

"Have a nice day, Sir!"

Umalingasaw ang amoy ng cheeseburgers ni Simon kaya gustong-gusto na siyang itakwil ni Cinco palabas ng sasakyan. Pinagtalunan nila iyong dalawa.

"Eh sa nagugutom ako bakit ga!?" pinagsingkitan niya ng mata ang kaibigan.

"Ganiyan ka lang kasi naiinggit ka sa kinakain ko. tsh." panlalaban niya pa.

"Hindi ako naiinggit at isa pa! Kakain na rin naman kasi tayo hindi ka pa nakapaghintay!" Ibinaling ko ang tingin sa labas. Mayroon pa pala kaming pupuntahan. Gusto ko na lang matulog at makauwi.

Masyadong naging mahaba ang araw. Tapos hindi ko pa tantiya kung may napala ba itong lakad namin o wala. Hindi naman nila sinasabi. Wala naman silang nasasabi.

In fact, hindi naman sila mukhang nakatanggap ng failed news. Wala din silang inireklamo kaya hula ko.. maayos ang naging pulong nila.

Sana nga.

Para tapos na rin ang parte ko dito. Tapos na ang kailangan nila sa akin.

Agree? Agree.

"Paki bilis, boss!" dinig ko sa background. Naalimpungatan na ako pero hindi pa rin ako kumikilos.

"Demian?" mahinang tapik ang gumising sa akin ng husto.

"Gutom na ko, Cinco! Cinc--" sabayan pa ng palahaw ni Simon.

"Fck! Ang sabi ko'y umuna ka na sabi!" Kumilos ako at nag-ayos ng umupo. Inilibot ko ang mata at napagtanto kong mas madilim na pala ngayon kaysa kanina. Nakatulog din ako at ngayon nasa tapat na kami ng isang mamahaling Restaurant.

"Natutulog na siya so why not just let her sleep and we decide what to order?!" malayo man ang diatansiya ay dinig na dinig ko ang ipinuputok ng butsi nito.

"Simon, itimo mo iyang bibig mo!" now he turn his gaze on me.

He suddenly blocked the view. Simon is now out of the picture. Doon ko lang napansin na nakabukas pala ang pinto at nakadungaw siya sa akin.

"I'm gonna order her foods that same as mine, if you didn't come here in five, four!" nanlaki ang mata ko sa pagka-count down noong kaibigan niyang medyo hibang.

"Just don't mind him. Ako na ang oorder ng kakainin mo, may specific food ka bang gusto?" I panick. Oorder kami ng pagkain? Sa restaurant na iyon?! Napakapa ako sa bulsa ko. Alam kong naroon ang wallet ko at ilalabas ko na sana.

"M-magkano ba ang.." he stop me.

I was about to pay whatever amount I can. Siyempre ang pipiliin ko ay iyong pinakamura na lang.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang