IKA-6

14 0 0
                                    

◆◆◇◆◆

06, Friend.

"Ang corny, corny naman ng storya mo!"

Puro pagtutol ang bukambibig ni Tala sa kapatid. Hindi ko alam kung may balak ba siyang sumangayon sa kapatid o wala talaga.

Hindi ko nasubaybayan ng ayos ang kwento ni Timi. Basta ang pagkakatanda ko ay tungkol daw iyon sa pagkakaibigan namin ni Simon sa past life namin. Hindi ako paniwalain sa mga ganoong bagay pero dahil napasubo ako sa pagtatalo ng tatlo ay nakisakay na lang din ako.

"Paano ga dapat?" tanong ni Susana dito.

Umayos ako ng upo. Hindi ipinapahalatang malayo na ang naging takbo ng isip ko. Mas malayo pa sa naging teorya nila.

"tsk.. maysado kasi kayong lumalayo sa isyu eh!" pananaway nito sa dalawa.

"Ang sabi ni Demian, kaya niya nakilala iyong dalawa eh dahil sa paghahanp nilang pareho sa heredera!" Nilingon ko siya. Kunwari'y interesdong interesado.

"Pareho kayong past life ang iniisip. Bakit hindi tayo mag-focus sa future? Agree?" Ang dalawa ay nakatanga sa kaniya. Nag-aabang ng supporting details. Pinagkokone-konekta ang ideya nila at siguro'y pinagsasama-sama.

"Oh eh ano naman ang nakikita mo sa future ng ate, aber?" paghahamon ni Susana.

"What if.. si ate Demian talaga ang heredera?"

Natigilan kaming tatlo. Walang nagtangkang magpakita ng sariling paghuhusga at komento.

Nahibang ako sa ideya.

"Ano sa tingin--" hindi namin siya pinatapos sa pagsasalita at pinagtawanan namin ang ideya nitong Malayo sa sibilisasyon. Baka nga mas paniwalaan ko pa iyong naunang dalawang kwento kaysa dito sa delusyon ni Tala.

Hindi ko naman alam na interesado pala siya sa heredera ah?

"Tala, ayos ka pa ga? Eh kitang-kitang kong inire ng pabulong ang ate eh!" Pinagkunutan ko siya ng noo.

"Boba! Paano mo makikita eh unang ipinanganak sa'yo ang ate mo!"

Tumutol si Timi. Mas lalu kaming humagalpak sa tawa samantalang si Tala ay litong-lito sa naging reaksyon namin.

"Alam niyo? Ewan ko sa inyo! Basta babalik na ako sa pagtulog." Nauna akong tumayo para tapusin na ang parte ko sa usapan. Sumunod din ang tatlo sa akin at nagkaniya-kaniya na kami.

"Itigil mo na ang kape, Timi! Nakakatuyo ng logics." pahabol asar ng kapatid.

"Pampasigla ng buhay ang kape! Iiwan ka ng lahat pero hindi ang kape! Manlalamig ang lahat.. PERO HINDI ANG KAPE!" nagpapapadyak nitong depensa sa kape niya. Kinuha niya ang paborito niyang tasa at tinungga ang tinutukoy niyang kape.

Lahat ng kape, manlalamig sa huli.

Hindi mo naman kasi iniinom ng mainit na mainit ang kape ah? Kasi 'di ba, baka ka mapaso?

Paki mo?

"Hakdog ka." inagaw ni Susana ang tasa kay Timi at iniabot iyon kay Tala. Dinala iyon ni Tala sa hugasan.

"Mas mainit pa sa kape mo itong init ng ulo ko sa'yo. May trabaho tayo ngayon dumbellina." Inakay ni Susana ang pinsan namin sa sala para magsimula sa sinasabi nilang ta-trabahuhin.

Si Tala ay nagwawalis na ngayon sa bakuran. Sinisisi ang puno ng alatiris sa paglalagas ng mga bulaklak nito. Si Timi at Susana ay mas sineryoso ang ginagawang project. Painting iyon at mas magulo pa ata sa buhay ko ang pagkakapinta. Twing itinatanong ko kung ano iyon ay lagi nilang iginigiit na abstract ang tawag doon! Ayaw pa akong patulungin.

Prelude to Destruction  (Barako Girls Series #1) ✓Where stories live. Discover now