Prologue

13.6K 339 6
                                    


Isa Lamang Ordinaryong Dalagita Si Heavenia na mataas ang Pride,Matalino, Shunga, Maharot, Marupok,Pulubi Este Mahirap na nakapag-aral sa Isang mamahaling Eskwelahan sa bansang Bitterland.

Hindi nya lubos maisip kung bakit ito ang ipinangalan sa Bansang kinatatayuan at kinatitirikan ng mga bahay at kanyang mga paa ngayon, inisip nya tuloy na sawi sa pag-ibig ang nagtakda ng pangalan ng Kanilang Bansa.

Sa paaralang pinapasukan nya ay duon nag-aaral ang mga mayayamang nilalang Kabilang na ang mga anak ng Royal at Noble Family, Hindi naman sya nahihirapang makibagay dito Dahil Hindi naman sya fangirls ng mga Putakteng Dugong Bughaw na mga Yun.

Wala ding tatalo sa Attitude nya Dahil sumobra pa raw ito sa 100% at nag overload na ang Attitude nito kung kaya kahit Ang Mayayaman at Makapangyarihang Tao sa Eskwelahan nya ay Hindi nya inuurungan maging ang nakatakdang Susunod na Hari ng Bitterland ay Hindi nya inurungan.

Puno ng Pahirap at Pasakit ang tinatamasa nya Dahil sa pagkakautang ng kanyang pamilya, yung tipong maiiyak na lang sya sa tuwa pag nabigyan sya ng Benteng Baon Dahil maging sya din ay lubog na sa pagkakautang sa Dalawa nyang Bestfriend na mga Anak ng Duke.

Ngunit Isang Kasunduan ang magpapagulo sa buhay at Literal na Magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, Kasunduang nuong una ay inakala nyang malaking Prank lamang ng lokong Lolo na naka usap nya sa Plaza.

Subaybayan natin ang kanyang Kagagahan,Katangahan,Kabobohan,Kapalpakan at higit sa lahat sa buhay nyang punong puno ng Kalandian Este Kakambingan Este Ulit Kalambingan at Kabaitan. Ang Nag-iisang Heavenia Kripot...

~Please Kindly Click the Star Button to Vote Thanks

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now