"Sira ka talaga pero salamat ha." Saad ko sa kanya at nagatuloy lang kami sa paglalakad.

Sanay naman ako sa mga kaibigan kong lalaking trinatrato akong nakakabatang kapatid na babae o prinsesa kaso nga lang ang weird pa rin pag ginagawa ni Blue sa akin iyon kasi nga naging crush ko siya dati at ang malala pa ay nagconfess ako sa kanya.

Pagkarating namin sa pastilan ay humiwalay ang mga couple kong kaklase ng table sa amin kaya ang naiwan lang ay kaming lima sa lamesa na kumakain. Habang kumakain kami ay nagbibiro si Blue sa mga kaklase namin, well he is a funny guy and no wonder lots of girls in the campus fall for his charms.

"Blue maiba nga ba't ba kayo nagbreak ni Joana? You seem to be a perfect couple and then later on we found out you broke up." Saad ni Hanna sa kanya at napansin ko namang umiba ang aura ni Blue.

Kaya napalunok lang ako at tila tumawa bahagya para hindi mapagusapan iyon. Napaka improper naman kasing pagusapan ang relasyon ng isang tao lalo na kung break up.

"Ay Hanna wag na lang kaya nating pagusapan yun, pagusapan na lang kaya natin yung..." saad ko kasabay pagiisip ng topic para maiba ang aura sa lamesa namin.

"Ahh tama yung tung—" saad ko pero naputol iyon nang magsalita si Blue kaya napatingin lang ako sa kanya.

"It's ok Xian, past ko na rin naman si Joana kaya ayos lang." saad nya sa akin kasabay ang pag ngiti.

Malungkot lang akong napatingin sa kanya habang pilit na ngumingiti sa amin, well they broke up before opening ng klase at hindi ko rin alam kung anong dahilan, I tried to comfort him before pero ayaw nyang mag kwento kaya I just comfort him kaya panay na lang ang pangangasar sa akin ni Rhed dati.

"Well kahit sabihin pa nating matinong lalaki ako pero lahat naman ng bagay mag wawakas eh, I became loyal to her for almost 1 year of our relationship pero kahit sabihin pang loyal ka kung sawa na sawa na talaga. Kahit sabihin pa nating mahal mo pa siya pero kapag ayaw nya na wag mo nang pilitin kasi masasaktan lang kayong dalawa." Malungkot nyang pagkwekwento sa amin.

Nalungkot naman ang mga kaklase ko sa ikinuwento ni Blue sa amin, ganon ba talaga ang mag mahal napapagod rin pala? Napansin nya atang nagiba ang mood kaya agad nya ring binalik.

"Oy ano ba kayo ang lulungot nyo sige kayo wala na talagang manliligaw sa inyo nyan kasi ang lulungkot ng mga mukha nyo at saka nakaraan nay un ilang months na rin ang nakalipas. Ayos lang din kaming dalawa kaya wag na kayong malungkot." Saad nya sa amin kaya napangiti naman kami.

Pagbalik namin sa classroom ay agad kaming nagdecorate ng room at tamang tama lang ring kararating lang nila Addy habang dala dala ang mga crepe paper na pinabili namin at iba pang materials.

Habang nagdedecorate kami ay nagpapamusic lang kami sa radio na pinahiram sa amin ng adviser namin kaya hindi medyo boaring ang pagdedecorate namin sa room.

"Xiana palagay naman ako ng mga crepe paper sa taas." Saad ni Hanna sa akin kaya agad akong lumapit sa kanila para kunin ang mga crepe paper at tapes.

Abala ang iba kong kaklase sa pagdedcorate sa pader, kasi kung ano anong pakulo ang ilalagay nila sa pader eh, pinuno ba naman ng magazine ang pader para raw mas magmukhang kwarto raw ang classroom. Kasi ang theme namin pajama party kaya niliteral nila, kaya ayan mukhang kwarto na nga ang classroom dahil sa mga magazine na nakapalibot.

Hinila ko ang lamesa at tumuntong ako ron para idikit ang mga crepe papers sa kisame ng classroom namin. Patuloy lang ako sa paglalagay nang hindi ko namalayang nasa pinakadulo na pala ako ng lamesa kung kaya't bumaliktad ang lamesang kinatatayuan ko, napasigaw na lang ako sa takot na bumagsak ako sa sahig pero laking gulat ko nang may sumalo sa akin at napahiga kami sa sahig.

"Xiana, Xiana ayos ka lang?" nagaalalang saad ng mga kaklase ko.

Dahan dahan ko namang inimulat ang aking mga mata para tingnan kung sino ang taong iyon at nakita kong yakap yakap ako ni Blue kaya nanlaki ang mga mata ko.

"A-ayos ka lang ba?" tanong nya sa akin kasabay ang pagtingin sa akin.

Napatango naman ako sa kanya, napatingin lang ako sa kanya at halatang nasaktan siya. Tinulungan kaming itayo ng mga kaklase namin at nagaalalang tinatanong kami kung ayos lang kami.

Tumango lang ako sa kanila habang nakatingin kay Blue na kausap si Wilard na nagaalala sa kalagaya nya.

Blue saved me? Well he always does when we are in elementary until we were grade eight that is why I fall for him. He is this night and shinning armour I had when we were in elementary; he always protects me from the bullies.

Lumapit ako sa kanya para magpasalamat at nahihiya ako sa nangyari, pwede nya naman akong hayaang mahulog sa sahig eh bakit kailangan nya pa akong saluin?

"Ah Blue." Tawag ko sa kanya kasabay ang paglingon naman siya sa akin na tila nagulat at may halong pagaalala.

"Oh Xiana, ayos ka lang ba? May masakit bas a iyo?" nagaalalang tanong nya sa akin at napailing lang ako sa kanya.

"Salamat nga pala sa pagsalo sa akin, ikaw ang dapat kong tinatanung kung ayos ka lang ba?" saad ko sa kanya at natawa naman siya ng bahagya sa akin.

Pinatong nya lang ang kamay nya sa ulo ko kasabay ang paggulo nito at pag ngiti nya sa akin, tiningnan ko lang siya ng masama dahil sa ginawa nya sa akin.

"Ayos lang ako kaya wag ka nang magalala, sanay na ang katawan kong masaktan dahil sa mga training." Saad nya sa akin at napatango lang ako sa kanya.

He is still the Blue I met since elementary, the cool Blue who always saves others despite his coldness. I don't know why I only look up to him as an old brother of mine when we were in elementary.

Babalik na sana kami sa Gawain namin nang tawagin ko siyang muli.

"Bakit may kailangan ka pa ba?" tanong nya sa akin kasabay ang paglingon nya.

"Ah ano kasi bakit mo nga pala ako sinalo?" tanong ko sa kanya nya and I heard a small gulps.

"Because you are my brother's best friend, parang hindi ka na nasanay simula elementary hangang ngayon pa ba?" saad nya sa akin kasabay ang pagtalikod nya sa akin.

Yeah I am only his brother's best friend after all; there is no choice for me to have a spot on his heart in the first place. Kaya nung nag confess ako nung grade eight eh rejected agad at sabi nya lang sa akin dati

"Kapatid ang turing ko sa iyo, I'm sorry." He said way back in grade eight.

Kaya I said to myself by that day I will not fall for a friend, someone who's close to me and especially to my boy best friends but I ruined it when I met Dalaney and fall for her. 

At SixteenWhere stories live. Discover now