56: WAKAS

8.8K 247 61
                                    

This chapter is 18+. Read at your own risk.

MELODY

Andaming nangyari pagkatapos nung airport scene na yun. May mga umalis, may nagbago, may nagparaya, at may mga bumalik na dating lumisan. At nakakatuwa lang kase yung mga dating magulong bagay ay unti unti nang bumabalik sa dati nitong ayos.

Bumalik si daddy sa bahay at naging maayos na ulit ang pamilya ko. Nag kapatawaran na kami, lalo na sina Ate Harmony at si Daddy. Naging mas matatag ang pamilya namin pagkatapos nun, though hindi na kami nagsasama sa iisang bahay.

Si ate Harmony kase at si kuya Shaun ay nagkabalikan na matapos nilang makapag usap ng maayos. Naging maliwanag na din lahat kay ate Harmony ang mga nangyari noon. Pinatawad niya na ako at pinatawad ko na siya. Alam naman namin na pareho kaming nagkamali. Pero tapos na yun masaya na siya sa piling ni kuya Shaun. And they are living in their house na pinagawa ni kuya Shaun nung sila pa dati.

Si Kuya Benee at yung gaga kong kaibigan? Nagsasama na sa iisang apartment. Oh diba? Nakakabigla? Syempre boto ako sa kanila, alam ko namang di pababayaan ni Kuya yung bestfriend kong yun at syempre di naman pababayaan ni Kath si Kuya. Maalaga kaya yung gagang yun.

Umamin nga pala si Kath sa lahat ng mga di niya sinabe sakin. Katulad nung nasa Capiz kami and yung time na nagkagusto siya kay Mike. Inamin niya din yung mga times na nagseselos siya samin at kung pano siya naiinis sakin pag nagkukwento ako about kay Mike. Natatawa nga ako habang iniimagine kung gano siya naiinis habang kinukwento ko yung mga sweet moments namin ni Mike dati. May gusto pala siya dun sa hayop na yun, di man lang nagsabi. Pero no worries, alam ko naman na gagawin ni Kuya lahat para makalimutan ni Kath si Mike. Yun pa, apakaseloso kaya nun.

Si Mike? Ayun hindi ko na siya muling nakita pa pagkatapos niyang umalis sa apartment niya. Huling balita ko nga ay pumunta siya sa States at doon pinagpatuloy ang pag aaral niya. After he left nga pala, may sinend siyang message kung saan lahat ng kasalanan niya ay inamin niya. Doon din siya nag sorry sa lahat ng nagawa niya. Yes, nagalit ako pero hindi ko naman maaalis yung fact na naging malapit ko siyang kaibigan. Pero siguro nga ito yung best way para samin. Best way para makalimutan niya ako at best way para maging masaya kami sa sarili naming buhay.

Si Jeya? Katulad ni Mike, di na rin nagpakita yung gaga na yun. Ewan ko ba sa kanila, kesa harapin yung pagkakamali nila at humingi ng tawad tulad ng ginawa ni ate Harm, ay mas pinipili nilang takasan yun. Bahala na sila dyan, si Lord na bahala sa kanila.

Nagsisimula na kami ng panibagong chapter ng buhay namin. Si Mommy and Daddy, si ate Harmony at kuya Shaun, si kuya Benee at si Kath, at syempre ang bida ng kwento ko, ako at si Nash.

"Melody!" napatingin ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko.

Laking tuwa ko nang makita si Kath na kasama ni kuya Benee. Ilang weeks rin kase kaming hindi nagkita kaya sobra ko siyang namiss.

Birthday ni ate Harmony ngayon and may pa celebration sina ate. Andami ngang bisita eh kase pati yung family nila Kuya Shaun ay umattend din. Andito din yung coworkers ni ate at syempre yung mga friends namin.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganito ka special yung bday niya, well, kuya Shaun planned it. Hindi lang kase birthday party ang magaganap ngayon. Magpopropose din siya kaya shh lang kayo.

Humarap ako kay Nash na busy sa pakikipag usap sa mga kamag anak nila ni Kuya Shaun. Siniko ko ito ng dahan dahan kaya natuon ang pansin nito.

"Yes, babe?"

Ngumiti ako bago inilapit yung mukha ko sa tenga niya at bumulong dito. "Maiwan muna kita ha, andyan kasi si Kath, kakausapin ko lang."

Tumango ito bago ako halikan sa noo.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Mar 04 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu