41: Baby

5K 118 13
                                    

MELODY

"Can we just rest for a while?" hingal kong sabi sa tatlong lalaking kasama ko at saka naupo dun sa may hagdanan ng kubo na pinag stopover-an namin.

Hindi sila nagsalita pero hindi ko na binigyang pansin yun dahil sa pagod na nararamdaman ko. Well, kahit kanina pa din naman, di nga nila ako pinapansin at kahit pagsagot sa mga tanong ko di nila magawa. Ni di rin lang nila ako makamusta, they haven't ask if I was alright pero iniisip ko nalang na they were awkward to me. Siguro nga nahihiya lang sila na i-approach ako...

"Wala ng oras let's go..." rinig kong sabi nitong isa na pinaggigitnaan nung dalawa. Siya din yung tumawag sakin sa tent at nagsabi na hinahanap daw ako ni mr. Reyes at pinapapunta sa office niya.

Ayaw nga din pala nila magshare ng infos about themselves kaya kahit pangalan nila ay hindi ko alam. Ayos diba?

Mukhang magsisimula na silang maglakad pero buti nalang agad ko silang napigilan.

Excited kayo? Di uso pahinga mga teh?

"Di ba kayo napapagod? Saka sigurado ba kayo na alam niyo yung pupuntahan naten?" takang tanong ko sa mga ito na ikinatingin nila sa isa't isa. Sa kinilos nila ay nagtaka ako.

"What's with the sudden exchange looks?" takang tanong ko sa mga to habang namumuo na yung kaba ko sa dibdib ng paunti unti. 

Ang weird nila at ang kahina hinala ng mga kinikilos nila ha...

Mag iisang oras na kasi kaming puro lakad pero ni walang office ni mr. Reyes ang napuntahan namin. Instead of mr. Reyes' office? Itong kubo palang ang establishment na napuntahan namin. And honestly, I feel weird. Para ba kasing pamilyar sakin tong scene na to. Parang nangyari na siya pero hindi ko lang maalala. Maaaring sa panaginip or napanood ko lang siya sa movie pero alam ko sa sarili ko na nangyari na to.

Ah basta pamilyar...

"Yes, we are..." sabi naman nung isa na tila ba siguradong sigurado sa dinadaanan namin.

"Kaya bilis na..." sabi naman nung isa na may bonnet na kulay green. "...he's waiting for you."

Nakakainis din naman kase tong si sir eh. Ang ganda ganda ng moment ko kasama si Mike tas biglang mag uutos. Tapos yung utos kung hanggang san pa inaabot na lugar.

Minsan talaga eh napapatanong ako kung anong feeling ng lumalaban sa teacher eh... Chour.

Nagstart na ulit silang maglakad pero masyado pa akong pagod para sumunod sa kanila.

Sana all diba? Sana all batak.

Hinintay ko munang kumalma yung mga muscles ko sa binti bago magstart sa paglalakad. Tumayo na ako nang medyo umokay ma yung binti ko at syempre baka isipin ng mga yun na dahil babae ako, mahina ako. Ayaw ko pa naman mapa away. Huminga ako ng malalim saka nagstart na sa pagsunod sa kanila. "Mahirap na at baka maliga---?"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko at napatigil nalang nang pumasok sa isip ko yung salitang yun.

Maligaw? Naliligaw?

"What the f?" yan nalang ang nasabi ko nang dahan dahang bumalik sa ala ala ko yung panaginip ko kagabi.

"Kaya pala pamilyar tong lugar na to..." I said as I looked around the place where I am standing. Around this abandonadong kubo.

Ganitong ganito kase yung itsura nung kubo na nakita ko sa panaginip ko kung san kaming nagpahinga nang tatlo kong kasama.

Teka?

Agad akong napatingin sa kulay ng damit at jogging pants ko. Please, no, wag naman sana magkapare--.

"Shit!" mahinang mura ko nang makita na iisa yung suot ko ngayon sa suot ko dun sa panaginip ko.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu