20: Swings

6.5K 149 11
                                    

MELODY

"A-anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah?" nauutal na tanong ni Nash.

"Galing ako kina Kath and pauwi na sana nang I notice na nandito ka din..." sabi ko at ngumiti na sa kanya.

To be honest? I feel so awkward. Naiinis nga ako sa sarili ko. After ng nangyari kanina? Dapat nagmumukmok ako sa isang tabi at sinusumpa siya pero eto ako, lakas loob na pumunta pa sa harap niya. Kapal no?

Sorry guys, ganto talaga ako eh....

Di na ako natuto...

"Ah..." yun na yun?

Di man lang ba siya magagalit na gumagala ako mag isa sa kalagitnaan ng gabi? Di man lang ba siya mawoworry?

Grabe namang ex to oh...

"Hm? Eh ikaw? Gabi na and you are still here..." pagbabali ko sa katahimikan na bumabalot samin. "...nagmomove on ka din?"

Kumunot ang noo niya siguro dahil na rin sa sinasabi ko.

"What did you say?" takang tanong nito.

Ah akala ko nagulat, nabingi lang pala....

"Ang sabi ko anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" anubayan, ang bingi mo naman.

"Ah, nothing. Nafeel ko lang na parang may nag udyok sakin na pumunta dito..." sabi nito na ikinatango ko.

"Alam ko nag udyok sayo..." sabi ko dito na ikinataka niya.

"Ha? Ano yun?" walang kamalay malay na tanong nito.

"That is love. Imaginin mo, hindi mo naman alam na andito ako and same with me, hindi ko naman alam na nandito ka. Malay mo way na to ng tadhana to prove na tayo talaga?" mahabang litanya ko dito. Ang kapal naman ng mukha ko no? But don't worry, I only want him to take this a joke.

Nanlaki yung mata ko ng sumeryoso siya ng tingin sakin. Yung tingin na nagpapaliwanag sakin na wala siya sa mood na makipagbiruan.

"It was a joke..." sabi ko habang unti unting nawawala yung ngiti ko sa labi.

Malay ko bang seseryosohin niya yun...

Hindi siya nagsalita kaya muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Ka tahimik ang kinaiinisan ko.

Damn...

"I will go na..." pagpapaalam ko sa kanya dahil hindi ko na talaga matiis ang awkwardness na bumabalot samin and hindi na kinakaya ng sarili ko ang kahihiyan at kalakasan ko ng loob.

Ano ba yan, Melody...

Tamo nga ni hindi man lang nag goodbye. Hay nako!

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad. Napapapikit ako dahil sa frustration na kagagawan ng nagtatalong puso at utak ko.

Sabi kasi ni utak. "Anu bayan Melody, napaka inutil mo naman. You know what? Wala ka ng hiya. Ex mo na nga siya diba saka ayaw niya na sayo tapos pinipilit mo pa yung sarili mo na makapag communicate sa kanya? Desperada ka girl?"

Sabi ni Puso na patuloy kong pinakikinggan. "Communication with ex doesn't define anything no. Masyado lang maissue si Utak kaya wag mo siyang pakinggan. Go Melody and talk to him! Remember just talk, don't fell for him."

Utak at puso: "Talk to him like how a normal friends do. Friends ha, friends."

Hindi ko alam kung may kakampi talaga ako sa kanila or pinagtutulungan nila ako. Pinagtutulungan na ipamuka sakin na kaibigan na lang ako.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon