11: Harot

7.7K 129 3
                                    

Chapter 11: Harot

MELODY

"Omg! Sana makapartner ko si crush!"
"Okay lang sakin na hindi bf ko basta gwapo no!"
"Lord kahit Nash lang po!"
"I'll be okay with Mike hehe!"

Napapabuntong hininga nalang ako eh, ano bang nangyayari sa mga ito? Ang haharot!

"This is it! Omygosh, excited na excited na ko!" masayang masaya na sabi ni Kath.

Ano bang nakakaexcite sa Clubhearts?

Ngayon na daw kasi malalaman yung mga magkakagroup sa Colores Te Amo and hindi ko ba alam sa kanila kung anong kaexcite excite dito.

"Ano bang kaexcite excite sa event na to ah?" tanong ko habang nakacross arm at nakatingin sa kanya. "Paki explain nga."

Bumusangot siya. "Dumale na naman yang pagkabitter mo..."

"I'm not..."

"Yes, you are..."

"Bitter na pala tawag sa curious no?" sambit ko dito na ikinangiwi niya.

"Come on Melody, hindi mo ba naaamoy ang simoy ng pag ibig, ang simoy ng pagmamahal, at simoy ng mga pusong puno ng pag-asang mapapansin ang pag ibig nila?" nakapikit na sabi nito na parang damang dama yung mga pinagsasabi niya.

"Hindi." sagot ko dito na ikinamulat niya. At hindi lang basta mulat, dahil nanlaki yung mga mata niya.

"What?" gulat niyang sabi.

"Anong what? Sinabi ko lang naman talaga yung totoo kong nararamdaman no.

Hindi ko feel eh, bakit ba?

"Hay nako!" sabi ni Kath at iniwan ako.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa napatigil kami ng may nag announce.

"Welcome to the first step, the Colores Te Amo. I will tell a color so kindly raise your hand if you own that color." sabi nung announcer.

"Omygash ito na!" sabi ni Kath at excited na excited na naman.

"Let us go for the first one, to anyone who owns the color red, kindly raise your hand..." sabi ulit nung announcer.

Nagulat ako ng magtaas si Kath, red pala nakuha niya?

"Omygash! Sana naman may pogi sa kulay na to no?" nakapamewang na sabi nito ay nagtaas ulet ng kamay.

"Ay pak..." sabi nito ng may nag assist sa kanya na isang estudyante din at dinala siya palayo sakin. "Bye frenny!"

"Green?" Nagpatuloy lang yung announcer sa pagbanggit ng kulay. Paunti na rin ng paunti yung mga estudyante na natitira. Syempre kasama ako, and honestly bagot na bagot na ako...

"Bat kasi hindi nalang group yourselves huta..." pagrereklamo ko.

" Turquoise?" finally nabanggit din!

"That is my color!" sabi ko at dahan dahang tinaas yung kamay ko.

"Let us go to room 546 miss..." sabi ng isa sa mga estudyanteng nag aassist. Di na ako nagsalita at saka sumunod nalang sa kanya.

Pagkatapos ng ilang lakaran ay nakadating din kami sa room 546.

Pagpasok ko ay labis akong nagtaka, bakit ako lang? Sa dami dami ng estudyanteng nag aaral dito, bakit ako lang ang pumili ng kulay na to?

Damn...

"Ate? Ako lang talaga?" takang tanong ko dito kay ate.

"Nope..." sabi nito na ikinahinga ko. Kayo kaya mag isa no. "...sinusundo pa yung tatlo."

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now