50: Half Truth

4.8K 100 15
                                    

MELODY

Kakatapos lang ng detention namin at mag isa akong aattend sa Art class. If you're asking where is Nash, pinatawag siya ng ibang teacher namin. May papagawa daw pero nevermind, let's move on.

Habang naglalakad ako pabalik sa klase ko ay may pamilyar na mukha akong nakasalubong. Hindi ko alam kung san ko siya unang nakita pero siguro yun yung araw na inannounce yung Summeryoso sa Capiz. Tama ba?

Napatigil siya at syempre napatigil din ako. Tinitigan niya ako at syempre dahil sa titig niya ay nakaramdam ako ng awkwardness. Try to think of it ha, may isang random na taong hihinto sa harap mo tapos titigan ka na parang kilalang kilala niya na yung pagkatao mo. Ang weird diba?

Nginitian ko siya pero wala itong naging response kaya tinigil ko na din yung pagngiti ko. Base on her stares parang may ginawa akong mali sa kanya or sa pamilya niya. Bat ba ate?

Nilakasan ko yung loob ko at lumapit sa kanya. "You're Sophiie right?" naiilang ako pero hindi ko pinahalata yun sa kanya. Nilahad ko yung kamay ko na kinatingin niya dun.

Come on, I'm Melody Sandoval, I'm mabait kaya!

"You remember me, don't you?" nakangiting saad ko dito habang pinagdadasal na naaalala niya pa ko. Damn, pag hindi, embarrasment na naman to.

Nagulat ako sa nangyari. Kesa kasi makipag shake hands at sagutin yung tanong ko ay bigla itong umiyak. I'm shocked yet worried to the point na ang tangi ko nalang nagawa ay ang bigyan siya ng panyo.

"Hala? Bat ka umiiyak?" alalang tanong ko dito sabay inabot ang panyo sa kanya. Hindi niya yun tinanggap kaya wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya at punasan yung pisngi niya.

Punyeta! Baka ako pa sisihin dito...

"Are you oka---Ouch!" Nagulat ako nang itulak niya ako ng malakas na ikinabagsak ko sa sahig. Medyo napamali yung landing ko kaya napa aray ako at napahawak sa paa ko na nahilab sa sakit.

"I-I'm sorry!" gulat na sabi nung Sophie nang matauhan siguro siya sa ginawa niya.

"I-I'm oka--- Ouch!" ani ko at aakto sanang tatayo nang makaramdam ako ng sobrang sakit sa kanang paa ko. Agad akong inalalayan ni Sophie papunta sa bench na malapit samin.

"Anong masakit?" she asked worriedly.

"N-no, I'm okay..." sabi ko dito habang minamassage yung kanang paa ko.

"You're not okay, ate Melody..." sabi nito na ikinatingin ko sa kanya.

She remembers me! Sabi na at siya yung Sophie eh...

Imamassage niya sana yung paa ko nang pigilan ko siya.

"Te-teka, what are you doing? I can handle myself..." pagpipigil ko dito pero mukhang ayaw magpapigil kaya hinayaan ko nalang siya.

"I'm really sorry, ate Melody..." malungkot na saad nito habang nakayuko.

"It's okay pero pano mo nga pala nalaman yung pangalan ko?" bigla itong tumayo na kinagulat ko.

"B-bakit?" alalang wika ko dito.

Hindi ito nagsalita at nagtingin tingin lang sa paligid niya.

"I'm sorry ate!" bigla itong humagulgol na kinagulat ko. Agad ko siyang hinila paupo at hinaplos yung likod niya ng dahan dahan.

"Tahan na, Sophie..." pagpapatahan ko dito. "...ano ba kaseng nagyari?"

Ayaw kong mangialam sa problema niya kase may problema din ako pero to think na parang kailangan niya ng tulong? I can set aside my problems to help her. Baka kase kailangan niya ng makikinig sa kanya diba?

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Donde viven las historias. Descúbrelo ahora