09: Almost

7.9K 162 0
                                    

MELODY

"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi kay Nash.

Oo, si Nash yung lalaking naka hoodie na to. And alam kong nagulat kayo kase ako din teh, gulat na gulat.

"Diba boyfriend mo ko?" sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

Nakakahiya! Ano ba tong pinasok ko.

Na patalikod ako sa kanya dahil sa kahihiyan. Ngayon ko lang kase pinagsisisihan yung pinagsasabi ko kanina.

"Bakit ka ba nahihiya, Melo? Eh hindi mo naman alam na siya pala yun diba?" sabi ng konsensya ko sakin.

Oo nga? Ba't ba ko nahihiya ah? Saka hindi lang naman siya yung Nash na kakilala ko ah. Andami dami kayang Nash sa mundo.

Umubo muna ako at saka humarap sa kanya.

"Ahm ano, Nash, kase ganto. Diba ano... tapos ano..." nawawalan na ako ng salita para sa kanya.

Bat ba ko natatabil ha? Si Nash lang yan oh.

"Hindi kita maintindihan miss Sandoval..." sabi nito at ngumisi.

"Ah kase ano talaga..." sabi ko habang hindi makatingin sa mata niya. "...gabi na kasi, uwi na ko ha!"

Agad agad akong umalis para makatakas sa kahihiyan na to pero tinawag niya ako na ikinahinto ko.

"Melody!" sigaw nito sa pangalan ko.

"May kailangan ka ba?" sabi ko dito at kabadong ngumiti.

"Hindi ka pa tapos magpaliwanag diba?" sabi nito at tinaasan ako ng kilay.

Ay wow, imbestigador?

"Ano na namang ipapaliwanag ko?" sabi ko dito at syempre tinaasan ko din siya ng kilay.

"A lot like why did you twist my hand?" tanong nito

"Eh bat naman kase sinusundan mo ko tapos nakaganyan ka pang suot, napagkamalan tuloy kitang masamang tao. And alam mo naman na I attend karate school tapos bigla bigla kang susulpot na parang may masamang balak sakin. Ayan tuloy inabot mo..." pagpapaliwanag ko dito.

"You attended karate school nga pala no?" sabi nito at tumango.

Ay wow! Nakalimutan niya agad. Eh siya pa nga naghahatid sundo sakin don. Tamang dala dala lunch and snacks kase ayaw niya daw ako magutom. Wew!

I stayed quite pero nagtanong ulit siya.

"Eh bakit ka naman nag iisa dito? And also bakit ka hindi nagpahatid kay Mike, alam mo namang babae ka and a lot of bad people surrounds us now. Hindi ka ba natatakot?" tanong nito at tumingin sakin.

But! Worried sa ex niya!

"Dapat ihahatid ako ni Mike pero may kailangan siyang ayusin about family business kaya hindi niya ako nasamahan saka I insist na huwag niya na akong ihatid kase kaya ko naman sarili ko and like I said marunong ako magkarate tingnan mo nangyare sayo..." sagot ko dito at napakamot sa ulo dahil sa konsensya. "...sorry hehe!"

Tatanong tanong pa. Eh kung siya nalang nag aya na ihatid ako, edi hindi ako mag isa ngayon. Ano ba tong si Nash, apakahina.

"Pede na ko umuwi?" pagpapaalam ko dito dahil mukhang naubusan na siya ng maitatanong sakin. Yung totoo puro kasi siya titig sakin kaya naiilang ako. Ehe!

"Last question..." sabi nito na ikinaroll ng eyes ko. Mahal kita pero nakakabwiset kasi pag napakadaming tanong eh.

"Ano na naman yun?"

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now