24: Benee's Trip

5.9K 106 8
                                    

MELODY

"Ano na naman kuya?" iritang sabi ko kay Kuya Clef nang tumawag na naman ulit ito.

Pangatlong beses na kasi siyang natawag ih. Yung una tinanong niya kung anong oras yung uwi ko, yung pangalawa kung may gagawin daw ako pagkatapos ng class then eto, tumatawag na naman siya ngayon.

Ano kuya? Miss mo ko?

"Kuya? Hello?" mukhang pinagtitripan pa ko neto dahil hindi siya sumasagot mula sa kabilang linya.

"Kuya! Pag di ka nagsalita..." sabi ko dito at bumuntong hininga. "...I'll end this call."

"Isa... Dalawa... Tatl---"

"Hey! May ginawa lang ako..." pamumutol niya sa pagbibilang ko.

Di ka pa sasagot ha...

"So ano na naman? Bakit ka na naman natawag ha?" Sabi ko dito.

"Ako susundo sayo after class mo..." di ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Wow! For the very first time, susunduin ng isang Clefford Benee Sandoval ang bunso niyang kapatid..."  I exclaimed in exaggeration.

"It was a great honor, kuya. I am very thankful for that..." I said sarcastically.

"Tigil tigilan mo nga yang stupidness mo Melody..." nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.

Stupidness amp.

"Hiyang hiya sa stupidness ha..." di makapaniwalang sabi ko dito. "...what do you want?"

"Ano bang kelangan mo at may pa sundo sundo ka pang nalalaman ha?" derektang sabi ko dito.

"Wala, Naisipan ko lang na baka mainggit ka sa iba mong kaklase na sinusundo ng jowa nila..." he said making my face grimace."...alam ko naman kasing walang magsusundo sayo kase wala kang jowa."

Spell bastos? C-l-e-f-f-o-r-d

"Alam mo kuya nakakainis ka..." sabi ko dito habang pinapaalala sa sarili ko na kuya ko yung kausap ko.

Pasalamat ka at kuya kita, kundi hmp!

"I'm just joking." Di nakakatawang biro.

"Gusto lang kitang sunduin, bawal ba?" sabi nito pero hindi pa rin ako satisfied sa sagot niya.

Alam niyo, si kuya kase di yan gumagawa ng mga bagay, na hindi niya na nakasanayan, nang walang dahilan.

"Bakit nga? Bakit mo ko susunduin? Bat may pa ganun? Sagot kuya! Sagot." sunod sunod na sabi ko mula sa kabilang linya.

"Hoy! Andami dami mong tanong..." pagrereklamo nito sakin. "...kung ayaw mo di wag."

"Hindi sa ayaw kuya nakakapanibago kase sayo. Di ka naman ganto, in fact this is the first time na susunduin mo ko without me asking." pagpapaliwanag ko dito.

"Oh tapos?" halata sa boses nito ang kawalang gana.

Tatawag tawag tas tatamad tamad? Ayos ka lang kuya?

"Anong oh tapos?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ang gulo mo, Chorale."

"Ikaw ang magulo..." di ko pagpapatalo dito

"Basta..." sabi ni kuya at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago ituloy yung sasabihin niya. "...hintayin mo ko dyan."

"Oo na, oo na." iritableng sagot ko dito.

Wala na kong choice kundi umo oo. Masamang tinatanggihan yan, baka di na maulit.

"May kasama nga pala tayo kaya ayusin mo pagmumukha mo..." pahabol ni kuya na ikinagulat ko lowkey.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now