55: KISS

5.9K 214 31
                                    

MELODY

"Kuya! Anu na!" pag rereklamo ko habang nasa loob ng kotse ni kuya Benee.

Ilang minuto na kasi ang nakalipas pero di pa rin kami nakakapunta ng airport. Pinuntahan na namin yung resto and unfortunately, nakaalis na daw yung Herrera na nagpa reserved.

"Damn it! Maghunos-dili ka nga! Mamaya kesa maabutan natin yun, maaksidente pa tayo!" halata sa boses nito ang irita.

"He's freaking right! Saka kasalanan to ng kaartehan mo! Sinabing three pm pero di pa din pumunta!" sabat naman nitong si Kath na nasa front seat.

"Malay ko ba!"

"Anong malay? Ang arte mo kasi tas ngayon iiyak iyak ka pag di naabutan..." nagcross arm ito na kinairap ko.

Bat ba ngayon pa namin napiling mag away? Itong kaibigan ko talagang to, ang sarap sabunutan.

"Relax, girls! Dadagdag pa kayo eh! Traffic na nga at nagmamadali na tayo, mag aaway pa kayo..." ani kuya Benee na naka-focus sa dinadaanan namin.

"How to relax? Kung yung lalaking mahal ko aalis na!" saad ko dito.

Hindi na nagsalita pa si Kuya Benee na mahinang napapamura nalang.

Tanginang kaartehan to! Di ko talaga alam magagawa ko sa sarili ko kapag di ko naabutan si Nash.

"Tangina!" sigaw ko nang biglang mapatigil si Kuya sa pagmamaneho.

"Anu yon!" mukhang nainis din si Kath sa ginawa niyang yun kaya napasigaw din ito.

"Kuya umayos ka nga!"

"I'm gonna kill you pag di ka umayos Benee."

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Kath about kay Kuya.

Benee? Close sila?

"Nawala lang ako, mukhang napainlove mo na kuya ko ah..." nawawala na ako sa sarili. Hindi ko na alam yung pinagsasabi ko. Nagmamadali na nga kami nagagawa ko pang magsalita ng kung ano ano.

Umirap si Kath at masama naman akong tiningnan sa salamin ni Kuya. Lumabas si Kuya Benee at umikot ikot sa kotse.

"Ano to? Tour ng kotse?" napatingin si Kath sakin at agad ding umiwas.

"Stupid..." bulong nito pero sapat na para marinig ko.

"You! What did you say?" tiningnan ako nito sa salamin at nginisian.

"Ang weird mo Kath!" medyo naninibago ako sa ugali niya ngayon.

"Hindi ako weird, naiirita lang talaga ako sayong babae ka..."

"Ha?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Alam mo Melody kund di lang kita kaibigan, pagtatawanan kitang hayop ka.. Ang arte arte mo.." saad nito na ikinatigil ko.

"Don't be offended ha. Alam ko namang nasaktan ka nung tao pero hindi ko talaga maalis sa sarili ko na magalit at mainis sayo.." I smiles bitterly.

"Tangek, ayos lang.. Naiintindihan naman kita eh. Kahit ako naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan kong mawala ang lalaking wala ibang gawin kundi ang mahalin ako." muli niya akong sinilip sa salamin sa harap at ngumiti.

"Ang drama mo naman..." pang aasar nito na pareho anming kinatawa.

Alam kong hindi ito ang tamang oras pero hindi talaga matahimik sa isip ko yung tanong na nais kong sambitin kanina pa.. Naku curious ako.

"Kayo na ba ni kuya?" nagulat ako ng parang masamid ito kahit wala namang iniinom. Tinakpan ko ang bibig ko sa takot na baka mamatay tong bff ko sa samid.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now