29: Store

5.3K 99 9
                                    

MELODY

"Ano ba kase yun at kanina ka pa sunod ng sunod ha?" sabi ni Nash na siguro nainis na sa pagsunod sunod ko sa kanya.

"I already told you..." nakabusangot kong sagot dito. "...I need help."

Napabuntong hininga si Nash. "You need help tapos biro na naman?"

"No! Promise totoo na to!"

Tiningan ako ni Nash na parang hindi pa satisfied sa sagot ko. Mukhang hindi pa siya 100 percent sure kung maniniwala siya sa mga pinagsasabi ko.

"Please just this once, pagkatiwalaan mo ko..." pagmamakaawa ko dito.

He sighed. "Ano ba yun?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Well, di talaga ako matiis nitong napakagwapo kong ex.

"Can I share a pushcart with you?" sabi ko dito na kinakunot ng noo niya.

"What? Share a pushcart?" di makapaniwalang sabi nito. "...andaming pushcart na available sa counter ah."

Ito ang damot, kung ayaw mo edi wag!

"Trust me wala na talaga. You can check it by yourself actually and if you will ask where is mine, kinuha nung lalaki kanina." sabi ko dito at napabuntong hininga nalang.

"Who's guy?"

"I don't remember his face na eh..."

Kitang kita naman sa kanya na hindi pa rin sureball na naniniwala siya sakin. Feeling ko nga na mas iniisip niya na gumagawa lang ako ng dahilan to get his attention kahit hindi naman.

"Wag mong iisipin na I'm making stories just to get your attention ha! Totoo yung sinasabi ko..." pagpapaliwanag ko dito.

Bat ba ako nagpapaliwanag? Kung ayaw maniwala di wag.

"Alam mo if you don't want to believe me, then don't. Isipin mo na kung anong gustong isipin. Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin. Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan. But one thing I am sure about..." pinasadahan ko siya ng isang irap sign ng kairitahan ko. "...totoo yung sinasabi ko na kailangan ko ang tulong mo."

Well I guess I gotta go now...

Katahimikan na naman kase yung bumalot sa pagitan namin ni Nash eh. And again, wala namang na maitutulong yang katahimikan na yan para matapos ako sa pamimili eh.

"Una na ko..." sabi ko dito at di na siya hinintay pang magsalita at umalis na. "...I guess I have to find Mike to help me."

Ilang step palang siguro ay may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko.

"Melody, wait..." sabi ni Nash at sabay hinila ako paharap sa kanya. Sa hindi naman inaasahan ay ang pagkaout balance ko sa paghila niya sakin kaya ayun sabay kaming bumagsak... BOGSH!

"Hey? You okay?" alalang tanong ko kay Nash na kinapapatungan ko. Nasalo niya kase ako at buti nalang kase kung hindi sahig ang abot ko.

Agad akong tumayo at tinulungan siyang makabangon, mahirap na andaming naaattract yung attention samin eh na kesa sa mga importanteng bagay ay samin itinutuon.

"Are you okay? Masakit ba? Sorry talaga di ko sinasadya. Ikaw naman kasi eh, bat ka ba nanghihila?" nag aalalang sabi ko dito habang pinapagpag yung dumi na kumapit sa polo niya.

"Concern sya yiee..." panggagaya nito sa ginawa ko kanina kung san siya yung worried about sakin.

Tiningnan ko siya ng masama hanggang sa may marealize ako.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz