19: No

6.5K 115 9
                                    

MELODY

"Akala ko mahal niya ko!" hagulgol na sabi ko kay Kath na nasa harap ko.

"Maraming namamatay sa maling akala no..." sabi nito na lalong kinaiyak ko.

Hindi ko alam kung kaibigan ko to or hindi eh. Umiiyak na nga ako oh...

"Nakakainis ka naman ih!" iritang sabi ko dito.

"Kasalanan mo yan no! Sino ba kaseng nagsabi sayong magtanong ka nang ganun kay Nash?" Kath said.

Hindi ako sumagot at malungkot na tumingin sa ice cream na nilalamutak ko.

"Ih kase naman, si Jeya talaga yun ih!" sabi ko pa.

"Alam mo teh, hindi naman kase lahat ng nalabas sa bunganga non ay totoo and hindi rin naman lahat nang sinasabi niya is tungkol sayo or kay Nash..." Kath scolded.

"Oo na..."

"Alam mo kasalanan mo talaga to, kung di ka sana nag aasume assume ng kung ano ano edi sana hindi ka umiiyak..." dagdag pa nito na ikinabusangot ko. "...pati tuloy akong may sakit nadadamay dyan sa kassumingan mo."

Pagsabihan lang walang realtalkan no!

Kath is definitely right. Tama siya kasalanan ko kung bakit ako umiiyak ngayon, kasalanan ko kung bakit nasasaktan ako. Kasalanan ko kasi nag assume ako.

Kung nagtatanong kayo sa sagot niya? Hindi niyo pa ba halata ha? Paulit ulitin niyo pa ba sakin kung pano siya nag no?!? Charot...

"No..."

"Lahat ng nangyari satin ay tapos na. Tapos na. Hindi , hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati..."

"You know why? You left me. Nakipagbreak ka diba? Ayaw mo na diba?"

"Panindigan mo yun..."

Yan. Yan ang eksaktong sinabi niya. Hindi naman masakit diba? Kase masakit na masakit.

How can I forget? Ako nga pala yung nang iwan. Ako pala yung nakipaghiwalay.

      .....just because of that stupid dare

Kaya wala akong karapatan na magreklamo dahil in the first place ako yung may kasalanan.

"Oy gaga..." bigla akong nabalik sa realidad nang magsalita si Kath.

"Bakit?" wala sa sarili kong sabi.

"Uwi na. Mukhang hinahanap ka na sa inyo. Sigi ka baka mag alala sina ate Harm sayo..." sabi nito na muli kong ikinabusangot.

"Ayoko pa umuwi ih. Can't I just stay for a while?" pakikiusap ko dito. Ngumiti siya kaya akala ko papayagan niya ko.

"No..."

"Bat no?"

"Eh bakit hindi no?" sabat nito.

"Hoy Sandoval, alam kong masakit yang nararamdaman mo no, pero may sakit din ako at tong sakit ko delikado pag lumala, eh yung iyo?" sabi nito at tumayo na at niligpit yung mga pagkain kong nasa sahig.

"Tumayo ka na dan at wag mo masyadong damdamin yan..." sabi nito habang patuloy lang sa pag pupulot. "...heartbreak lang yan."

Heartbreak lang? LANG?

"Nahiya ako sa lang ha sabagay wala ka pa naman kaseng nagiging boyfriend no..." sabi ko dito at tumayo na mula sa pwesto ko.

Ngumisi siya. "Mas mabuti nga ako eh walang boyfriend pero di nasasaktan eh ikaw? Wala ka na ngang boyfriend at wala na ngang kayo, nasasaktan ka pa."

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now