02: Undescrisbable Feeling

11.8K 188 7
                                    

MELODY

To describe this day? Pathetic.

Andaming unexpected na nangyari mga dai. Ang pagbabalik ni Jeya the kontrabida. Ang pagbabalik ni Mike the relationship breaker. Ang pagbabalik ni Nash the not good listener. At pinakahuli ay ang sitting arrangement na kasalukuyang ginaganap ngayon.

Pano naging pathetic tong sitting arrangement na to? Ganto yun. Apat nalang tong bakanteng upuan at isa na yung katabing upuan ko. Syempre sa apat na upuan na yun, may apat na uupo. And ang pagpipilian?Yung ka reunion ko at saka si Kath.

Parang awa mo na Lord...

Sana si Kath, mas comfortable ako sa kanya and para naman may alam siya sa mga nangyari sakin.

Oo, walang alam si Kath about sa mga naging past relationship ko. She don't know Jeya, Mike and also Nash. Kung kilala niya, kilala niya lang ang mga to as our classmates. Classmates only.

Nahihiya akong ishare yung nangyari sakin a year ago sa kahit sinong kaibigan ko. Why? Kase ayokong magmukhang masama sa kanila, sa mga kaibigan ko. At paniguradong pagtutulungan nila akong asarin once na malaman nila na dahil sa isang lintek na dare ay hiniwalayan ko siya.

"Ms. Katherine Saavedra, makakaupo ka na sa tabi ni miss Melody Sandoval..." nakahinga ako ng malalim sa sinabi nung guro.

Pagkaupo ni Kath sa tabi ko ay ngumiti siya sakin at pasikretong umapir sa baba. Syempre mahirap na baka paglayuin kami kasi sasabihin nan na tropa kami at mag iingay lang kami.

"Hi!" biro ni Kath na ikinakunot ng noo ko.

"Okay na to para di ako mapalipat no!" bulong nito.

"Gaga..." mahinang sabi ko.

Nag simula ng magturo ang aming guro kaya agaad akong nakinig at tinigil ang mga ginagawa kong  kaanuhan, mahirap kayang bumagsak sa math.

Okay lang sana kung kami pa ni Nash edi may tutor ako lagi. Psh!

"The formula of ......." pagpapatuloy ng guro sa pagtuturo.

(Time skip)

"Mag iingat ka dun ha?" madramang sabi ni Kath nang hindi na parehas yung subject na itetake namin. I have to go sa Art Class at siya naman ay sa Music, so ayun hindi nga talaga kami magkasama.

"Ano ka ba? Sasakabilang classroom lang ako at hindi ako sasakabilang buhay no!" mahabang litanya ko dito. "Ang drama mo eh!"

"Kahit na aba! Sabihin mo pag may nambully sayo dun ha!" sabi nito at sakto na parang handa siyang manuntok ng kahit sinong umaway sakin.

" I can handle myself. No need to get worried..." sabi ko dito at inayos yung pagkakalaylay ng buhok niya. "...ang intindihin mo is yung klase mo."

"What do you mean my class?"

"Ano oras na?"

"10:57 in the morning"

"Ano oras pasok mo sa Music class?"

"eleve-- OMEGASH!" halos matawa ako sa pagkakasabi niya nun. Agad niyang kinuha yung gamit na kailangan niya para sa music class.

"Bye!" sabi nito at humalik sa pisngi ko.

Pagkaalis niya ay pumunta muna ako sa locker ko para ilagay tong math book ko at kunin yung mga bagay na kailangan ko sa Art class.

Busy ako sa pagkuha ng libro nang marinig ko ang boses ng pinaka namimiss kong tao. :((

"Di ka pa ba pupunta sa klase mo?" rinig kong sabi ni Nash.

Omegash? Kinakausap niya ba ako?

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Kde žijí příběhy. Začni objevovat