28: Joke

5.3K 92 1
                                    

MELODY

Students here, students there, students everywhere...

Parang naging isang school itong supermarket sa dami ng estudyanteng namimili. Namimili ng mga gamit na kakailanganin sa camping namen.

To be honest, nakakahiya sa ibang mamimili kase nag aagawan na ang mga estudyante ng mga bagay na gagamitin nila sa camping. Pati nga yung may ari ng supermarket aakalain na may kalamidad na paparating dahil sa panic buying na nangyayari.

Habang nagkakagulo yung iba, ako eto tamang chill chill lang habang binabasa yung listahan na binigay ni Mom sakin. Listahan yun ng mga bagay na dapat daw bilhin ko para sa camping ko. Mejo mahaba haba din yung listahan pero alam ko namang nagke care lang si mom para sa kanyang bunso hehe.

Ilang minuto na akong paikot ikot sa supermarket na to pero wala pa rin akong nailalagay sa cart na tulak tulak ko. Sa haba kasi ng list di ko alam kung san magsisimula eh.

"Shampoo? Sabon? Biscuit? Lotion? Ready to eat can goods? Water?---ouch!" habang binabanggit ko yung mga nakasulat sa listahan ay di ko na napansin na may nakakabangga pala ako.

Dahan dahan akong napatingin dun sa nabangga ko at anong gulat ko nalang ng makita si Nash.

"Focus sa dinadaanan para di nakakabangga..." pagsusungit nito habang hindi nakatingin sakin.

Nagpout ako. Anubayan mag isa na ngalang, napagalitan pa. "Sorry."

Wala sa mood kong nilagpasan nalang si Nash at dumiretso sa paglalakad. Okay! Focus na sa daan ha! Focus na!

"Kanina ka pa dito?" bigla akong napatigil nang magsalita si Nash.

"Di naman sa matagal pero parang ganun na nga..." nakabusangot kong sabi dito.

"Eh bat wala ka pang nabibili?" napansin siguro niya yung pushcart kong walang laman kaya niya sinabi yun.

"Wala..."

"Bakit nga?"

"Wala nga sabe..." bat ko sasabihin sayo? Edi inasar mo lang ako?

"Come on, Melody, tell me anong problema?" seryosong sabi nito habang nakatingin sakin.

Ewan? Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at parang nag automatic daldal na yung bunganga ko. "Nalilito ako..."

Nagkunot siya ng noo sa sinabi ko.

"What do you mean nalilito?" taka namang tanong ni Nash. "...eh diba may list ka?"

"Yun nga! May list ako pero napakahaba naman, hindi ko alam kung anong uunahin ko sa sobrang dami nung pinapabili ni Mom." paghihimutok ko dito. "Nakakainis kaya."

Nagulat ako nang lumapit si Nash sakin at hawakan yung kanang pisngi ko.

"Wag ka nga mainis kay Tita Eliza, first time tong event na to at biglaan pa, siguro natatakot lang si Tita Eliza na mapahamak ka..." pagpapaliwanag nito habang nakakurot sa pisngi ko.

"You have a point din naman..." pag aagree ko dito.

Ilang minutong katahimikan ang lumipas kaya naisipan ko nang mauna sa kanya. Wala rin namang maitutulong tong katahimikan sa pamimili ko diba?

"I have to go, mamimili pa ako eh..." sabi ko dito at saka siya nginitian. "...goodluck sa pamimili hehe."

Hindi na nagsalita si Nash kaya tinuloy ko na talagang umalis. Walang pumilet na mag-stay ako kaya aalis na lang ako.

Wala ba talagang pipilet na mag stay ako...

Habang naglalakad patungo sa beverage area ay may kumulbit sakin. Napalingon ako pero wala namang tao.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon