04: TMMEFILWMA

10.2K 204 2
                                    

MELODY

"Melody, my daughter..." salubong na bati ni Dad sakin.

"Dad!" sabi ko at tumakbo para yumakap sa kanya. Yinakap naman ako pabalik ni Dad.

"How's college?" sabi nito nang makabitiw kami sa yakap.

Bumusangot ako sa tanong niya.

"Oh? Bakit? May nangyare ba sa first day mo?" alalang sabi niya sakin.

"Not really Dad, pero..." hindi ko alam kung sasabihin ko yung mga totoong nangyare sa univ kanina eh. "...pero kaya pa naman, daddy."

"I know, alam ko namang malalagpasan mo yan eh..." sabi nito at ngumiti lang sakin. "...anak kaya kita."

"Awww..." nasabi ko nalang dahil sa kasweetan ni Dad sakin.

Bata pa lang ay daddy's girl na ko. And I am telling you na ako ang pinakapaborito niyang anak sa lahat. How? Every work travel ni Dad ay kasama ko or kung hindi ako kasama, lagi naman akong may pasalubong sa kanya. Tinuturing ko ng bestfriend si Dad pero syempre hindi ko naman kinakalimutan yung word na "respeto". A lot of years passed pero never kaming nagkaroon ng tampuhan or away, kase kami lagi ang magkakampi. He protects me whenever mom scold me. He let me play though mom tell me to study. Ganyan siguro pag favorite no? Tinuturing na prinsesa.

"Hon, Melody, dinner is ready!" tawag ni mommy samin.

Nagkatinginan kami ni Dad at ngumiti sa isa't isa. It's our favorite time! It's dinner time!

Naupo na kami ni Dad sa kanya kanya naming upuan. Si Mom ay nagpeprepare kasama ng mga yaya namin.

"Melo, tawagin mo muna si ate Harmony mo at si Kuya Clef mo..." sigaw ni mom mula sa kusina. "...sabihin mo kakain na."

"Yes, ma!" sigaw ko pabalik.

Umakyat na ako sa taas at saka pumunta muna sa kwarto ni ate Harmony.

Si ate Harmony Musique Sandoval ang panganay samin. She is 5 years older than me. Nagtatrabaho siya sa Hospital with kuya Clef as a Doctor. Tutor ko yan sa Science, wag kayo.

"Ate!" sigaw ko at kumatok na ng sunod sunod.

"Yes, baby?" sabi ni ate pagkabukas na pagkabukas ng pinto niya.

"Kakain na daw sabi ni mom..." sabi ko dito.

"I'll go na may aayusin lang ako..." sabi nito at saka sinara na yung pinto.

Ganyan talaga si ate, masyadong private buhay nan. Ni hindi pa nga ako nakakapasok sa kwarto niya ih.

Sumunod na pinuntahan ko ay yung kwarto ni kuya Clef, the istorbo.

Si kuya Clefford Benee Sandoval ay ang middle child. He is 3 years older than me. Ala pa siyang work dahil kakasimula niya pa lang umattend sa law school. Di katulad ni ate na sweet, siya ay bully. Walang araw na hindi niya ako inasar ng inasar. Pero napaka protective naman nan samin ni ate. Ansama lagi ng tingin nan sa mga jowabels namin ni ate eh, isama mo pa si Dad. Haist!

"Kuyaaaa!" sigaw ko sa labas ng kwarto niya.

"Kuyaaa!"

"Kuya Cleffffff!"

"Myghad kuya!" ilang beses kong sinagaw yung pangalan niya pero wala talagang Cleff ang nagpakita sakin.

"Kuya Cleff!" last na sigaw bago lumabas si ate sa kwarto niya.

"Anong nangyayari sayo melody? Bat sigaw ka ng sigaw?" pagrereklamo ni ate.

"Eh si kuya, ayaw buksan yung pinto at ayaw din sumagot." sumbong ko dito.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Donde viven las historias. Descúbrelo ahora