47: Yellow Paper

4.5K 97 10
                                    

AUTHOR

Sadyang napakabilis lumipas ng oras at heto na sila ngayon. Nakaupo at nakapalibot sa isang campfire. Kumakanta at ineenjoy ang huling gabi nila sa Capiz.

"Guys lets do our last activity before heading to our place, okay?" sabi ng head teacher nang matapos yung kantahan nila. Marami sa estudyante ang na excite sa paactivity ng teachers, pero may iba din naman na bored na bored na.

"Co-teachers, kindly distribute all the papers to the students." sabi nito na ikinakunot ng noo ng iba.

Tumango ang mga guro at nagsimula ng mamigay ng mga kulay dilaw na papel. Tig isang dilaw na papel ang binibigay nila para sa isang tao. Kada bigay nila ng dilaw na papel sa mga estudyante ay ang padagdag namang bilang ng mga nacucurious dito.

"Para san ba to?" tanong ni Melody sa kaibigan nito na si Kath. Kaysa sumagot ay mas minabuti ni Kath na magkibit balikat nalang dahil kahit siya mismo di niya alam.

"Okay, so sa tingin ko madaming nagtatanong kung para saan yang papel na yan kaya I'll explain it to all of you." sabi ni Mr. Reyes na kinatuon naman ng tingin sa kanya ng mga estudyante.

"The activity's name was Secret Untold."  panimula ng guro na ikinatango ng estudyante.

"I want you to write your deepest secret on that yellow paper." marame ang nagulat sa sinabi ng head teacher pero wala rin silang nagawa kung hindi ang sumunod. "Kung hindi secret, message to someone."

"Anong isusulat ko dito, eh wala naman akong sikretong tinatago." Melody sighed as she doesn't have anything to write. Wala naman kasi siyang sikretong maisusulat sa papel na yun kase first of all wala siyang sikreto.

Sa kabilang banda, ang kaniyang kaibigang si Kath ay napabuntong hininga din. Hindi dahil sa wala rin siyang sikretong maisusulat. Napabuntong hininga siya dahil sa hindi niya alam kung alin sa mga sikretong alam niya ang isusulat niya. Di kase tulad ni Melody, Kath has a lot of choices as she knew a lot of secrets. Ang problema lang ay alin sa mga sikretong alam niya ang maaaring maisulat niya pero di makakaapekto sa feelings ng bestfriend niyang si Melody.

"Tupiin into half at wag na wag lalagyan ng pangalan ha." the teacher reminds them.

Ilang minuto ang lumipas at ngdecide na ang head teacher na kolektahin ang mga yellow papers at ilagay ito sa loob ng dalwang malaking jar. Bale nakahiwalay yung yellow papers ng mga babae sa lalaki.

"Ngayon, girls, I want you to fall in line..." Mr. Reyes commanded, making the girls stand and make a straight line. 

Nang masatisfied na ang head teacher sa pila nila ay kinuha niya ang jar na kinapapalooban ng mga papel ng lalaki at inalog ito ng ilang beses. "Bunot kayo ng tig isa."

Maririnig ang iba't ibang reaction ng bawat lalaki sa takot na mabuko ang pinaka kinatatago nilang sikreto.

Everything went fast sa pagbunot ng mga dalaga kaya di na nagsayang pa ng oras ang head teacher at agad na pinagawa sa mga binata ang ginawa ng mga dalaga kanina lang. Pinapila niya din ito at pinabunot sa jar naman ng mga babae.

Nang makabunot na ang lahat ay agad pinag utos ng head teacher na buksan at basahin ng mga estudyante ang bawat papel na nakuha nila. Sari saring reaction ang pinakita ng mga estudyante nang mabasa ang mga sikreto ng kani kanilang kaklase. May natuwa, naiyak, nagalit, at syempre nagulat nang mabasa nila ang mga nakasulat sa papel.

At isa na sa mga ito ay ang mga bida ng kwento...

KATH

"I choose to ignore the one who likes me and I choose to like the one who will surely hate me from what I've done." pagbasa ko sa nakasulat sa papel na nabunot ko.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Where stories live. Discover now