34: B*tch

5.3K 89 15
                                    

MELODY

"Attention, students. I am Mrs. Leah, your guide teacher sa camping. I'd like to prepare you dahil ten minutes nalang ay dadating na ang service naten. Siguro naman ay may kanya kanya na kayong kapares diba? Kung wala pa, maaari lamang na bilis bilisan at baka hindi pa kayo makasama sa camping. Make sure to prepare your things dahil labas ang school sa mawawalang gamit niyo..." mahabang litanya nung teacher na naka assign daw samin. "...that will be all, thank you."

Bale bawat service kase ay may naka assign na teacher to guide the students and to assist them. And base on my observation mukhang di naman strict tong guide teacher na napunta samin. Mukhang mabait nga at may sense of humor den kaya medyo okay na rin na siya yung naging guide teacher namin.

"You okay? Wala ka na bang naiwang gamit?" tanong ni Nash na ngayon ay nasa tabi ko. "...burara ka pa naman."

Oo, si Nash yung kapartner ko. Kasalanan ng stupid na kamay ko dahil kay Nash niya napiling tumigil. Hindi ko yun dinaya ha, infact, mejo nagsisisi na nga ako kung bakit itong gwapong damulag na ito pa ang napili ko.

Sa mga una kase niyang sinabi mejo natutuwa pa ako dahil sa pag aakalang concern siya pero yung huli parang namemersonal na eh. Napapanganga nalang ako sa mga sinasabi niya eh.

Mama mo, burara!

"For your information, Mr. Herrera, hindi po ako burara okay?" sabi ko dito habang nakatingin sa kanya ng masama.

"Weh?" aba? Sinusubukan talaga ako neto ah!

Kesa sumagot ay tinuloy ko lang ang pagtingin sa kanya ng masama. Sa tingin na yun ay ninanais kong makita niya na wala ako sa mood para makipag asaran sa kanya. Badtrip na nga ako kay Kuya, dadagdag ka pa?

"Chill, I'm just asking. Malay mo kase may nakalimutan ka diba?" sabi nito at saka nagtaas baba lang ng kilay na tila ba nang aasar. "...masama bang mag care sayo?"

Ewan ko ba, kesa kiligin ako sa banat niya ay mas umiigting yung init ng dugo ko sa kanya. Ano bayan beybe!

Nanahimik lang ako pero lumipas ang ilang segundo ay nagsalita rin.

"Alam mo, to be honest with you, hindi ko alam kung bakit ginawa ko pa yung idea ng pagpili na yun eh. Kase alam mo unti unti na akong nagsisisi kung bakit ikaw yung napili ko kesa kay Mike..." wala sa mood kong ani kay Nash na bigla namang napangisi matapos marinig yung sinabi ko. "...bat ba kase sayo huminto tong kamay ko?"

Hindi umimik si Nash at umiba nalang ng dereksyon ng tingin habang nakatiim bagang. Mukhang badtrip na din siya katulad ko pero wala akong pake. Totoo naman talaga yung sinasabi ko eh. Nagsisisi ako na sinunod ko pa yung freaking Idea na yun. Nakakainis...

Ilang minuto ng katahimikan ay may bumasag neto na parang gusto ko rin basagin yung mukha. Anoo? Tara?

"Nash!" sigaw ni Jeya at saka tumakbo palapit kay Nash na kinangiwi ko.

"Ano nanaman kayang kailangan ng maarteng to?" tanong ko sa sarili ko habang salitang nakatingin sa kanila.

"Hey? Anong ginagawa mo dito?" tanong ng bebe ko na mukhang masayang masaya na makita tong si Jeya.

Oh edi wow! Wag masyadong pagkangite ha! May bukas pa iho...

"Naglilibot lang ako nang makita kita, how about you?"

"Just waiting for the service to come..."

"Nasan na ba yung kapartner mo?" tanong ni Nash habang tamang lingon sa likod ni Jeya.

"I don't have a partn---?" nagulat ako nang may nagtakbuhang dalawang lalaki na naging sanhi para maitulak si Jeya papunta sa bisig ni Nash. Nagkatinginan sila at parehas na ngumiti sa isa't isa.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Où les histoires vivent. Découvrez maintenant